Piolo

Sa tagal na loveless at single… Piolo, inasawa ang trabaho

June 7, 2023 Vinia Vivar 273 views

Dahil sa tagal na niyang walang girlfriend, hindi na raw alam ni Piolo Pascual ang salitang “pag-ibig.”

Sa panayam ni Ogie Diaz sa aktor, natanong sa kanya kung wala na ba siyang panahon sa pag-ibig at kaswal niya ring tanong, “Ano ‘yun?”

Pero talaga raw wala siyang lovelife at mukhang nawiwili na rin siya na mag-isa.

“Sabi ng pastor sa akin, ‘mahirap ‘yan ‘pag nawili ka nang mag-isa ka lang, ‘pag nawili ka na wala kang kasama, baka masanay ka at hindi mo na hanapin.’ I think that’s what happened,” he said.

Dagdag pa niya, “You know I’ve been single for so many years and it’s not something na… you know, sometimes, of course, there are nights na sana may katabi ka.”

Pag-amin niya, hindi siya ‘yung tipo na gusto nang may kasama.

“I’m not the type na gusto ko na may kasama. Parang mas sanay ako na… nasanay na akong ganito,” aniya.

“Wala kang pinagre-report-an, wala kang kailangang uwian. So, siguro, pagtanda ko nang kaunti, aabot ako ro’n, pero sa ngayon talaga, I don’t see it happening in time.

“So, hindi ko siya ini-entertain, and I don’t even see the point of being in a relationship because I’m busy, I’m booked ‘til next year, so I don’t have time for it. Even if I want it, wala naman akong time kung saan ko siya ilalagay,” paliwanag pa ng aktor.

Pero nilinaw niyang hindi naman niya gustong tumandang binata.

“Sayang naman din. Darating naman tayo ru’n. At least, lalaki tayo, hindi kailangang magmadali. You know, tumanda man ako, pwede pa rin akong magka-anak,” sabi ni Papa P.

“It’s just that for now, this is my priority. And I feel na ang dami ko pang pwedeng gawin, ang dami ko pang gustong gawin na sana, magawa ko before I settle down.

“So, even if time is against me, I know, darating at darating ‘yun if it’s for me,” dagdag pa ni Papa. P.

Kung sakali naman na hindi dumating ang right girl for him ay okay lang naman daw dahil nandiyan naman ang kanyang pamilya at ang anak na si Inigo Pascual.

Ayaw din niya ng fling lang dahil sayang naman ang oras at kung hindi naman siya makakapag-commit, huwag na lang.

Wala rin siyang trauma sa pag-ibig at ang nangyari kasi ay inasawa niya ang kanyang trabaho at ito talaga ang top priority niya.

More than 10 years nang single si Piolo kaya nasanay na rin siya sa ganitong estado.

BTS PASILIP

Makisaya kasama ang cast ng Unbreak My Heart sa kanilang taping sa Europe sa bagong ABS-CBN YouTube show na UMH: Europe Experience, kung saan ipapasilip ang behind-the-scenes bonding kasama ang mga bida ng serye.

Pangungunahan nina Joshua Garcia, Gabbi Garcia, Richard Yap at Jodi Santamaria ang pagbibigay ng tour at pagbabahagi nila ng trivia at masasayang karanasan sa iba’t ibang magagandang lugar sa Switzerland tulad ng Interlaken town at Mt. Pilatus.

Napapanood na ang unang episode sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel kung saan nag-tour sina Joshua at Jodi sa isang world-famous chocolate factory sa Zurich, Switzerland.

Tampok sa episode ang kanilang chocolate tasting ng iba’t ibang klaseng tsokolate at ibinahagi rin nila ang nakakaaliw na mga trivia tungkol sa paggawa ng tsokolate.

Sasabak din ang cast sa masasayang activities tulad ng food trip, bag raid, skydiving at ang “100 Euro challenge” kung saan mag-iikot at mamimili sila sa iba’t ibang lugar sa Milan, Italy.

Magkukwento rin sila tungkol sa hindi nila malilimutang mga bonding at chikahan kasama ang kanilang mga co-star.

May bagong episode na ipapalabas kada-Biyernes, 7 p.m.

AUTHOR PROFILE