Paolo

Paolo niliwanag ang relasyon nila ni Yen

January 31, 2023 Aster Amoyo 385 views

Paolo1YenPaolo2

​MAY tatlong anak na babae ang Kapuso actor na si Paolo Contis – dalawa AG sa kanyang ex-wife na si Lian Paz (dating member ng EB Babes ng “Eat Bulaga”) na sina Xonia (12) at Xalene (11) at may 4-year-old daughter din siya sa (dating) Kapuso actress na si LJ Reyes, si Summer Ayana na kasalukuyang nasa New York, USA with her mom and half-sibling na si Ethan Akio (na anak naman ni LJ sa Kapamilyaactor na si Paulo Avelino) na 12 years old na.

​It was in August 2021 nang mapabalita ang paghihiwalay ng dating mag-partner na sina Paolo at LJ at inamin ng una nahindi na umano healthy ang kanilang pagsasama.

​Sa panayam ng King of Talk na si Boy Abunda sa actor recently, inamin ni Paolo na wala na umano sila ni LJ nang maging sila ng kanyang “A Faraway Land” co-star na si Yen Santos.

​Kung may halos dalawang taon na niyang hindi nakikitaang kanyang bunsong anak na si Summer (kay LJ), mas lalo ang kanyang dalawang anak na sina Xonia at Xalene sa kanyang ex-wife na si Lian na may isa na ring anak sa kanyang present partner, ang kanyang fiance na dating basketball player at negosyante na si John Cabahug na siyang tumatayong ama sa mga anak ng actor.

Limang taon na ang anak ng engaged couple na si Nina Angela.

​Lian and John together with the kids ay naka-base sa Cebu.

Director at stars ng ‘Spellbound’ kapuri-puri

MarcoMarco1Marco2

​NAGUSTUHAN namin ang pagkakagawa ng Philippine adaptation ng 2011 hit Korean movie na “Spellbound” napinagbaidahan nina Bela Padilla at Marco Gumabao kasama sina Rhen Escano, Cindy Miranda, Benj Manalo, Ronnie Liang, Moi Bien at directorial debut ni Direk Jalz Zarate.

​For a first-timer director, napakagaling di Direk Jalz kaya hindi kami magtataka kung maging sunud-sunod ang gagawin nitong movie projects.

​Ang local adaptation of “Spellbound” na may halongcomedy, romance at horror ay maayos na naitawid ng director at bumubuo ng cast

Although magaling ang lahat ng bumubuo ng cast, stand-out para sa amin ang acting na ipinakita ni Bela as Yuri sapelikula na binubuo ng magkakaibang emosyon.

Naging loyal man si Direk Ralz sa kuwento ng original K-movie, nilagyan nila ito ng Filipino touch para mas akma saFilipino audience na kung tutuusin ay hindi malayo sa Korean market.

Kung hindi lang may nobyo ang actress, writer, director at producer na si Bela, ang Swiss-Italian na si Norman Ben Bay nakanyang nakilala in Zurich, Swirtzerland nung 2017 nang gawinniya ang pelikulang “Meet Me in St. Gallen” with Carlo Aquiino, masarap sana silang tuksuhin ni Marco Gumabao (who played the magician Victor) dahil bagay sila at kakaiba ang kanilang chemistry on screen.

​Marco is one of the busiest actors sa bakuran ng Viva ngayon and gets the chance to work with different leading-ladies and actors.

​Bela, for her part, is now based in London and she just flew-in a few days ago para dumlalo sa red carpet premiere night ng pelikulang “Spellbound” na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall last Monday evening at para tumulong na rin sapromosyon ng pelikula.​

Bukod kay Marco at sa iba niyang nakasama sa cast, puring-puri rin ni Bela ang pagiging mahusay ng isa pa sa co star ing movie na si Rhen Escano.

“She is a very good actress, She should be given more acting jobs,” pahayag ng Fil-British actress na si Bela.

It took three years to complete the movie “Spellbound” nasinimulang gawin in 2019 pero ito’y nahinto dahil sa pandemic at muling ipinagpatuloy nung isang taon.

“It’s worth the wait,” ani Marco who registers so well in the movie.

Joshua sunud-sunod ang projects

JoshuaGabbiJodi

​WALANG alinlangan na isa ang young actor na si Joshua Garcia sa pinaka-busy among the talents of ABS-CBN.

​Although magtatapos pa lamang sa ere ang iconic series na“Mars Ravelo’s Darna,” nakapag-simula rin ito sa isang bagong proyekto, ang “Unbreak My Heart” kung saan niya mgakabituin sina Jodi Sta. Maria at mga Kapuso stars na sinaRichard Yap at Gabbi Garcia. Ito bale ang kauna-unahangkolaborasyon ng ABS-CBN, GMA, Dreamscape Entertainment at ang international Viu streaming app.

​Super excited si Joshua sa “Unbreak My Heart” dahil first time niyang makakatrabaho sina Jodi, Richard at Gabbi habangreunion of sort naman nina Jodi at Richard na unang bumulusokang tambalan in 2012 nang kanilang gawin ang “Be Careful with My Heart” sa bakuran ng Kapamilya Network.

​While Jodi remains a Kapamilya, si Richard naman ay lumipat ng GMA.

​SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE