Mariel

Tapang ni Robin, namana ni Isabella

January 31, 2023 Vinia Vivar 376 views

Na-touch ang netizens sa post ni Robin Padilla tungkol sa panganay na anak nila ni Mariel Rodriguez na si Maria Isabella.

Ibinahagi ni Sen. Binoe ang video ni Isabella habang nag-i-snow skiing na obviously ay kuha nang magbakasyon sila sa Japan recently.

Sa nasabing video ay makikitang na-out of balance si Isabella habang mabilis na dumadausdos sa snow at napahiga.

Ilang segundong hindi gumalaw ang bagets at sapat na ito para mag-panic ang kanyang ama.

Sey ni Binoe, hindi siya nakahinga nang makitang hindi gumagalaw si Isabella.

“Unang sabak at stunt ni maria isabela sa pagpapadulas sa niebe hindi ako nakahinga dito ng ilang saglit hanggat hindi ko siya nakita na gumalaw,” caption ni Binoe.

Kaagad namang nakatayo si Isabella at mukhang hindi naman nagalusan pero siyempre, hindi maiaalis kay Binoe na labis na mag-alala bilang ama.

“The captions make me cry and missed my dad,” komento ng isang netizen.

“’Yung caption talaga nagdala,” reaksyon naman ng isa pang IG user.

Marami naman ang pumuri kay Isabella sa tapang nito. Mukhang nagmana rin ang bagets sa kanyang amang action star.

EROTICA, KAIBA SA PORN — MERCEDES

Ipinagtanggol ng award-winning actress na si Mercedes Cabral ang impresyon ng maraming tao na pornography na raw na maituturing ang mga ipinapalabas sa Vivamax.

“There’s really a thin line that divides erotica from pornography. Erotica is also sexually stimulating but much deeper, mas may importanteng story, mas may art than porn.

“Porn naman kasi has walang aesthetic value but just aimed to arouse its viewers sexually.

“In this series, the erotic scenes are all necessary to the story kaya ko tinanggap and we’re proud of it,” ang paliwanag ni Mercedes sa virtual mediacon ng bago niyang series sa Vivamax, ang Erotica Manila.

Ginampanan ng aktres ang isang aging actress na magkakaroon ng affair sa production assistant played by Vince Rillon.

Sa trailer pa lang ay makikita na ang maiinit na eksena nila ni Vince.

Hindi ba siya nagdalawang-isip na tanggapin ang project?

“When I got the script, inisip ko nga muna if I would accept it. But when I accepted na, I gave it my all. Maganda kasi ‘yung episode namin, may touch ng comedy, which I like, kasi mga nagawa ko before, puro drama, so this one is different.

“But this is where I realized mas madali magdrama kesa magpatawa ng tao. Very challenging din ang role ko for me, kasi loud siya, high energy, very outgoing, which is not really me,” sey ni Mercedes.

Ang Erotica Manila ay isang four-part series na may apat na kuwento tungkol sa iba’t ibang sexcapades na pwedeng ma-experience sa Metro Manila.

Ang unang episode ay napanood na last January 29 titled Cinema Parausan ni Azi Acosta at ng Gawad Urian nominated actor na si Alex Medina.

Girl 11 naman ang title ng kasunod na episode na pinagbibidahan nina Josef Elizalde at Cara Gonzales.

Kwento ng lalaking news writer na nagpunta sa isang massage parlor na nag-aalok ng special service para matakasan ang mga iniisip at problema sa buhay.

Third episode naman sina Vince at Mercedes na may titulong The MILF and the OJT.

Ang pang-apat at panghuling episode ay ang Death by Orgasm, starring Felix Roco, Alona Navarro at Benz Sangalang.

Babawian ng buhay ang isang lalaki matapos itong madisgrasya habang nagtatago sa ilalim ng kama ng mag-asawang nasa gitna ng intense love making.

Ang lahat ng episodes ay idinirehe ni Law Fajardo.

AUTHOR PROFILE