Bistek

Pangha-hack sa FB account, umpisa ng paninira kay Bistek

August 23, 2021 People's Tonight 313 views

PATULOY pa rin ang malalasawang posts ng hacker ng Facebook official page ng former Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Na-hack last week ang FB page ni Bistek. Hindi pa rin daw ito nada-down kaya ginagawan ito ng paraan para madiskubre kung sino ang hacker ng account niya.

Wala pa namang pinalutang si Herbert kung tatakbo at sa anong posisyon ang tatakbuhan niya sa 2022 elections.

Gayunpaman, biniktima na ang socmed account niya at ano pa nga ba ang rason ng hacking kundi sirain, huh?

JASMINE, KUMPORTABLE MAKIPAGHALIKAN KAY ALDEN

JasmineKUMPORTABLE na sa isa’t isa sina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith kaya naman hindi na nahirapang kumbinsihin ang aktres na makipaghalikan kay Alden na kapareha niya sa Kapuso series na The World Between Us.

Sa pahayag ni Jasmine, hindi siya basta-basta pumapayag sa kissing scene lalo na kapag alam niyang hindi ito kailangan sa eksena.

“Gusto naming ipakita ang maturity ng characters namin at ‘yung pagiging naïve rin. Kumportable na ang pakikisama namin sa isa’t isa and it came off very natural,” saad ni Jasmine sa virtual mediacon ng season break ng series.

Bale last five episodes na ng TWBU simula kagabi.

Season break muna ito at ayon sa director na si Dominic Zapata, safety ng lahat ng rason ng kanilang break.

Balitang sa November 15 babalik sa ere ang TWBU.

Samantala, mapapanood na ang season 2 ng hit Korean series na The Penthouse sa GMA. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE