Marian

Pangakong drama series sa GMA, tutuparin ni Marian

March 7, 2023 Jun Nardo 345 views

NAGKAMIT ng bronze medal ang panganay nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia sa isang swimming competition na sinalihan niya.

Kaya naman super proud Mama si Yan na inilagay sa kanyang Instagram story and post ang picture ni Zia na hawak ang medalyang naiuwi sa labanan.

“Proud of you, Mahal!” caption ni Yan.

Naku, kung kayo ba ang magkaroon ng anak na tulad ni Zia, nanaisin ninyo pa bang magtrabaho sa isang series gaya ni Yan?

But of course, kailangang irespeto ni Marian ang existing contract niya sa GMA Network kaya kailangan tuparin ang pangako na gagawa ng bagong drama series sa home network, huh!

‘WOW, BULAGA!’, ISANG IMAHINASYON

NAKABUO na ng casting at poster ang mga netizen at bagong sulpot na vlogs sa magiging title ng Eat Bulaga kung sakaling totoo na mawawala na ang ibang kasalukuyang hosts ng noontime show.

Bukod ito sa umano’y binubuong noontime show sa Net 25 na Dabarkads, huh!

Ang magiging title – Wow, Bulaga!

Ang umano’y hosts – Willie Revillame, Allan K, Bretman Rock, Jose Manalo, Miguel Tanfelix, Tony Fowler at Rosman Man.

True?

Of course, imahinasyon lang ‘yan! Hanggang wala pang official announcement sa pag-alis sa chairman ng TAPE, Inc., producer ng Bulaga na si Tony Tuviera, huwag tayo basta maniniwala sa mga nababasa sa vlogs at socmed.

Basta ani Joey de Leon last Saturday sa Bulaga, magkikita-kita tayong lahat sa golden (50) anniversary ng longest-running noontime show sa bansa.

AUTHOR PROFILE