Jovit

Pamilya ni Jovit namomroblema

December 11, 2022 Aster Amoyo 270 views

Jovit1

BUMUHOS ang pakikiramay ng kanyang mga kababayan sa Batangas sa burol ng 29-year-old singer and occasional actor at kauna-unahang grand champion sa ABS-CBN adaptation ng reality talent competition na “Pilipinas Got Talent” na si Jovit Baldivino na sumakabilang-buhay nung alas-4 ng umaga ng Biyernes,

December 9, 2022 dahil sa aneurysm. Nagkaroon ng blood clot ang kanyang brain kaya agaran siyang sumailalim ng operasyon pero naging comatose siya ng limang araw hanggang siya’y bawian ng buhay.

Bukod sa kanyang pamilya, ang kanyang parents na sina Hilario at Cristeta Baldovino at fiancée na si Camille Ann Miguel, binuksan ang tahanan ni Jovit sa Brgy. Marilag, Rosario, Batangas sa publiko para sa kanilang huling pagpupugay sa kilalang singer hanggang sa Martes, December 13.

Si Jovit ay nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Miyerkules, December 14 sa Paradise View Memorial Park in Batangas.

Ang singer ay nakatakda sanang ikasal sa kanyang fiancée na si Camille Ann sa susunod na taon at marami umano silang mga plano. Hindi man ito natuloy, mananatili si Camille Ann na nakasuporta sa pamilya ni Jovit lalung-lalo na sa kanyang naulilang parents.

Bago binawian ng buhay, si Jovit ay nagkaroon ng mild stroke nung November 22 at meron itong maintenance medicines na tini-take.

Pinayuhan din siya ng doctor na huwag munang magpagod at kailangan niyang magpahinga sa trabaho pero hindi nito napahindian ang kanyang best friend na siyang nag-imbita sa kanya na kumanta sa isang private Christmas party nung December 3. After singing three of his signature hit songs ay doon na umano nakaramdam ang singer ng kakaiba kaya ito napaupo at kasunod na rito ang pagkangiwi ng kanyang mukha kaya agad siya isinugod sa pinakamalapit na pagamutan.

Naiahon ni Jovit ang kanyang pamilya sa kahirapan at siya lamang ang inaasahan ng kanyang parents.

Ngayong wala na si Jovit, hindi nila alam kung paano na ang kanilang buhay.

Pic Pic1

Bossing Vic magkakapo na naman

EARLY next year ay nakatakdang isilang ng panganay na anak ng dating mag- asawang Vic Sotto at Dina Bonnevie na si Danica Sotto-Pingris ang kanilang pangatlong anak ng husband niya, ang dating PBA player na si Marc Pingris.

Magiging big brother at big sister na ang dalawa nilang nakatatandang anak na sina Jean Michel at Anielle Micaela kapag isinilang ang kanilang baby prince brother.

It was last September 14 nang magkaroon ng gender reveal party at doon nalaman na baby boy ang pangatlong baby ng couple.

Ang ipinagpupuntis ngayon ni Danica ay pang-siyam na apo na ni Bossing (Vic) habang pang-walo naman ni Dina dahil may lima silang apo sa younger brother ni Danica na si Oyo Sotto at misis nitong si Kristine Hermosa-

Sotto. May isa pang apo si Bossing kay Paulina Sotto at mister nitong si Jed Llanes na si Sachie Brielle.

Masayang-masaya si Bossing sa kanyang lumalaking pamilya. Kay Pasig Mayor Vico Sotto na lamang siya walang apo maging sa kanyang bunsong anak (kay Pauleen Luna-Sotto) na si Tali Sotto na kapa-five years old pa lamang nung nakaraang November 6.

Pic2

Ronnie at Loisa wala pang planong magpakasal

MATAGAL na rin ang relasyon ng young celebrity couple na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio na nag-celebrate ng kanilang 6th anniversary bilang magkasintahan last November 26.

Although matagal na rin ang relasyon ng dalawa, wala pa umano sa kanilang immediate plans ang paglagay sa tahimik dahil pareho pa silang may respective goals pero sumasagi na rin umano sa kanilang usapan ang pagkakaroon ng sariling pamilya someday.

Matapos mapanood sa kanilang pinagbidahan iWant TFC TV series na “Love in 40 Days,” bahagi rin ang young couple sa 2022 Metro Manila Film Festival  movie na “My Teacher” na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga at Joey de Leon na dinirek ni Paul Soriano at joint venture ng Ten17P at TinCan Productions ng mag- asawang Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Looking forward ang dalawa to a busier 2023.

McCoy at Elisse pinaghahandaan ang future ng anak

KAHIT magtu-two years old sa April 10 ang daughter nina McCoy de Leon at Elisse Joson na si Felize McKinze, mukhang hindi pa rin priority sa dalawa ang pagpapakasal.

Mas ini-enjoy ng young couple ang pagiging young parents ng kanilang first born at pinaghahandaan na rin nila ang magandang future ng bata.

Si McCoy ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency habang si Elisse ay naiwan sa Star Magic.

Si McCoy ay kasama sa 2022 MMFF movie na “Deleter” na dinirek ni Mikhail Red at tinatampukan din nina Nadine Lustre, Louise de los Reyes at ang singer, actor-director na si Jeffrey Hidalgo under Viva Films.

Pic4Pic5Pic6

Beth smooth sailing ang buhay ngayon

SMOOTH sailing ang buhay ngayon ng actress na si Beth Tamayo na naka- base ngayon sa San Francisco, California, USA kasama ang kanyang American husband na si Adam Hutchinson and their one-year-old daughter na si Sloanne Isabelle Tamayo Hutchinson.

Although matagal nang magkasintahan sina Beth at Adam, it was only nung March 3, 2021 nang mag-desisyon ang dalawa na magpakasal via online ceremony.

Beth works as executive assistant sa Seguoia Capital, isang investment company na ang parent company ay naka-base in Singapore.

Pic3

Rocco at Melissa masaya ang Pasko

MASAYANG ise-celebrate ng mag-asawang Rocco Nacino at Melissa Gohing- Nacino ang Christmas holidays dahil meron na silang bundle of joy, ang kanilang two-month old son na si Baby Ezren na kamukha ni Rocco.

Malayo-layo na rin ang narating ng 35-year old ng Kapuso actor at Starstruck V alumnus (2 nd Prince) na isa ring successful entrepreneur.

Bago nag-asawa nung isang taon, nakapagpatayo muna siya ng sarili niyang magarang bahay kung saan sila ngayon nakatira ng kanyang wife at baby.

Isa si Rocco sa mga actor na masinop sa perang kanyang kinikita sa kanyang trabaho.

Ang magandang buhay para sa kanyang pamilya ang goal ni Rocco.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE