Nadine Lustre

Nadine, lumayas sa Careless ni James

December 11, 2022 Vinia Vivar 120 views

Inamin ni Nadine Lustre na umalis na pala siya sa music label ni James Reid na Careless Music. Sinabi ito ng aktres sa online interview with Monster RX 93.1.

Ayon kay Nadine, hindi na magka-align ang vision nila ng Careless.

“I’m actually not with the label anymore just because the vision isn’t really aligned anymore. I kind of want to to my own thing, they’re doing ther own thing,” she said.

Patuloy niya, magkaiba na ang gusto nilang gawin.

“Parang iba na rin kasi ‘yung gusto kong gawin. Saka rin ‘yung time na ‘yun, when I left then, I wanted to stop making music na rin. But then again, it’s different na. It’s so different. Like the things that I want to do and the things that they want to do are very different things already,” paliwanag pa niya.

Naiintindihan naman namin ang ibig sabihin ni Nadine na iba na nga ngayon dahil tila naka-focus na rin ang Careless sa international market.

Naikwento rin ng aktres na nagkaroon pala siya ng health problem this year at ito ang kanyang inasikaso talaga.

“I was really focused on my health this year because I was kind of feeling a lot of… I was going through a lot of issues with my body especially with… I have something on my (pointing her one arm), I don’t know what it is, I think it’s my nerves.

“Basta my arm gets really cramped up and then I have to keep doing this (stretching her am) and sometimes, I can’t sleep. It’s really uncomfortable,” pagbabahagi ng aktres.

Pina-check daw niya kung ano ito at parang may problema ang kanyang spine.

“It’s something about my spine. I think my C1 to C6 daw is protruding so it’s actually messing up with the spinal cord,” paliwang ni Nadine.

Inamin niyang napabayaan din niya ang kanyang health dahil sa rami ng kanyang ginagawa.

“I’m always in and out of the house, I’m in and out of Manila, in and out of the Philippines, so I’m always on the go, I’m always working.

“Most of the time, I forget to check up on myself or to kind of just sit down and see what my body is actually feeling,” paliwanag ng aktres.

Dahil sa rami ng kanyang ginagawa, naramdaman daw niyang lagi siyang exhausted lately.

Minsan daw ay nakakalimutan pa niyang kumain.

Asked kung paano siya inaalagaan ng boyfriend niyang si Christophe Bariou kapag may sakit siya, ayon kay Nadine ay very grateful siya na maalaga ang kanyang BF.

“I’m really grateful and I’m so blessed kasi he’s very maalaga, you know. Even as simple as reminding me to take my vitamins,” kwento niya.

Napaka-supportive rin daw ni Christophe sa kanyang showbiz career pero sobrang mahiyain ito kaya lagi lang itong behind the camera.

AUTHOR PROFILE