Andres

Pagpirma ni Andres sa Viva, ikinakasa na?

October 27, 2023 Ian F. Fariñas 140 views

Andres1Andres2Andres3IN full force dumating ang pamilya Muhlach — Aga, Charlene at kambal na Atasha at Andres — sa 78th birthday bash ng ultimate star builder at Viva Entertainment Group founder na si Boss Vic del Rosario nitong Huwebes ng gabi sa Viva Cafe.

Understandable ito dahil nga OG Viva baby si Aga na talagang sumikat sa classic youth-oriented movie na Bagets kasama sina Herbert Bautista, JC Bonnin, William Martinez, atbp.

Si Atasha naman, nasa pangangalaga na rin ng Viva Artists Agency (VAA), talent arm ng Viva Entertainment na pinamumunuan ng anak ni Boss Vic na si Veronique del Rosario-Corpuz.

Bukod sa pagiging regular co-host ng E.A.T. sa TV5 na kinagigiliwan ng viewers, labas na rin ang debut single ni Atasha na Pasuyo na mapapakinggan sa iba’t ibang music streaming platforms.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng party guests na ikinakasa na rin ang pagpirma ni Andres sa Viva dahil sa nakitang pag-uusap nina Boss Vic, Aga (katabi si Andres) sa gitna ng selebrasyon nu’ng gabing ‘yon.

Pero gaya ng sabi ni Andres sa isang previous interview, 50/50 pa ang pagpasok niya sa showbiz dahil kailangan muna niyang tapusin ang natitirang taon ng pag-aaral ng Business and Communications sa isang unibersidad sa Spain.

Ganunpaman, gaya ni Atasha, marami na ang excited at nag-aabang na fans sa magiging desisyon ni Andres pagka-graduate ng college.

Anyway, star-studded at talagang sumuka ang Viva Cafe sa dami ng bisitang nagmamahal at bumati kay Boss Vic.

Bukod sa pamilya Muhlach, present din siyempre ang mga anak ng celebrator na sina Vincent, Val at Veronique.

BagetsBistekNaroon din sina Anne Curtis, Sen. Robin Padilla, Ruffa Gutierrez, Herbert Bautista, Sarah at Matteo Guidicelli, Ogie at Regine Velasquez-Alcasid, Yassi Pressman, Xian Lim, Julia Barretto, Marco Gumabao, Marco Gallo at Heaven Peralejo, Sarah Lahbati, AJ Raval, Angeli Khang, Diego Loyzaga, Coleen Garcia, Jerald Napoles at Kim Molina, Jerome Ponce, Gold Aceron, Direk JP Laxamana, Direk Mac Alejandre, Ricky Lee, Vince Rillon, Wilbert Ross, ang 316 Media artists na sina Sean de Guzman, Quinn Carillo at marami pang iba.

Ilan naman sa mga nag-perform sina Jay Durias, Janno Gibbs, KimJe, Alamat, Jona at Andrew E, na lalong pinasaya ang party nang kantahin ang signature hit niyang Banyo Queen.

AUTHOR PROFILE