Guess

Serye ng award-winning actor at actress, nakaambang tigbakin

October 27, 2023 Jun Nardo 140 views

HINDI umano masyadong pumalo sa ratings ang series ng isang award-winning actress. Nadamay tuloy ang isang award-winning actor na ‘yung last series, eh, talagang humataw sa ratings, huh!
Eh, dahil walang magic ang dalawa, nakaamba na ang pagsibak sa series na hindi man lang tumagal sa ere, huh!

Pero ang disappointed sa resulta ng series ay ang aktor.

Hindi niya akalain na wrong career move ang pagsasama nila ng kapwa award-winning actress.

Ispekulasyon ng marami, mali ang project at hindi talaga pang-TV ang award-winning actress!

CHILDHOOD DREAM

DimplesPANGARAP na ni Dimples Romana ang maging newscaster noong bata pa siya.

Kaya naman nang kunin si Dimples upang maging bahagi ng TV5 morning show na Magandang Umaga, Kapatid, dream come true ito para sa kanya.

Nais ipabatid ni Dimples na para lang sa show na ito ang kanyang commitment sa TV5 dahil bahagi pa rin siya ng Star Magic.

Ilan sa mga kasama ni Dimples sa show ay ang veteran host na si Chiqui Roa, Justin Qurino at may dalawa pang host pati regular host na isang doctor at isang abugado.

Dahil magaling magsalita at charming, may chance na baka mapirata ang dalawang male hosts, huh, hahaha!

AUTHOR PROFILE