Default Thumbnail

Pagpasa ng motorcycle law magbibigay ng opsyon sa mga komyuter – Grab

May 23, 2023 People's Tonight 267 views

MALAKING ginhawa umano sa mga mananakay kung maipapasa ang motorcycle taxi law dahil makakahikayat ito sa pagpasok ng kumpanya ng motorcycle taxi na magbibigay sa mga komyuter na opsyon para sa pampublikong transportasyon.

Ito ang sinabi ni Grab Senior Executive Vice President Lim Yew Heng, sa sa kanyang statement sa joint hearing ng Senate committees on Public Services at Local Government sa panukalang i-regulate at gawing legal ang motorcycles-for-hire sa bansa.

“Grab believes that a well-regulated and inclusive framework for motorcycle taxis in the Philippines can bring significant benefits,” pahayag ni Heng sa Komite sa pinamumunuan ni Senadora Grace Poe.

“The sooner a motorcycle law is passed, the better for consumers, who under the current setup can only choose between three motorcycle taxi companies,” dagdag pa niya.

Sa kasalukuyan, tatlong kumpanya ng motocycle taxi na bahagi ng pilot program ang pinayagang magbiyahe sa Metro Manila sa ilalim ng provisional authority na inisyu ng Department of Transportation (DOTr).

Ang tatlong kumpanya ay Angkas, Joyride at Move it. Ang Angkas, ang pinakamalaking kumpanya ng taxi company ay may 30,000 rider at bumubuo ng 50 porsiyento ng market share.

Nauna nang hiniling ng Angkas na harangin ang apgpasok ng dalawang iba pang kumpanya noong Eneor 2020 nang maghain sila ng petisyon sa Quezon City court na mag-isyu ng 72-hour temporary restraining order laban sa pagpapatupad ng isang polisya sa pagpayag sa pagsama sa Joyride at Move It sa extended pilot program ng DOTr para sa motocycle taxis.

Sa kanilang petisyon, kinuwestiyon ng Angkas ang cap sa bilang ng pinayagang biker gayundin ang pagsama sa Joyride at Move it sa pilot program sa para motorcycle taxis na inilagay technical working group ng DOTr.

AUTHOR PROFILE