Maris

Pagka-holy ni Maris, na-enjoy ni Rico

April 6, 2023 Ian F. Fariñas 360 views

ESCORT ni Maris Racal ang singer-boyfriend na si Rico Blanco sa matagumpay na red carpet premiere kamakailan ng Here Comes the Groom, isa sa walong entries sa 1st Summer Metro Manila Film Festival mula April 8 hanggang 18.

Pagkatapos ng screening, inamin ng dating Rivermaya member na nag-enjoy siya sa mga eksena ng GF.

Ani Rico, “Ang galing nilang lahat! Parang hindi mo na nga iniisip na umaarte sila, eh. Galing, galing! Galing lahat!”

Nang tanungin kung saan siya mas nag-enjoy sa character switch ni Maris sa comedy movie, sinabi niya na, “Both. Na-appreciate ko even ‘yung sobrang holy niya at saka ‘yung nagpalit na siya ng… I really enjoyed it.”

Aminado naman ang Here Comes the Groom cast, sa pangunguna nina Maris, Enchong Dee, Kaladkaren, Miles Ocampo, Gladys Reyes at Awra Briguela na mahirap ang pinagdaanan nila sa pelikulang ito ni Direk Chris Martinez dahil nga sa character switches ng kwento.

Ani Enchong, bawat isa sa kanila ay dumating na sa punto na kinukuwestiyon na nila ang kakayahan nila bilang mga artista. Pero, laban pa rin dahil sa ganda ng istorya.

Feeling blessed naman si Maris dahil ikatlong pagtatrabaho na nila ito ni Awra na kapalitan niya ng karakter sa film.

Blessing in disguise raw iyon dahil memorized na niya ang pananalita’t kilos nito kaya dumali ang pagta-transform niya sa pagkatao ng bading na si Whitney (Awra).

AUTHOR PROFILE