Sparkle

Sparkle, may kondisyon bago kunin ang Star Magic artist

April 5, 2023 Jun Nardo 549 views

PINAPAPAYAT muna ang isang Star Magic artist bago siya kunin ng Spakle GMA Artist Center.

Eh, ang discoverer-mentor ng young actress ay mula sa Star Magic na lumipat na sa Sparkle.

Nagpapapayat man, may nakaplano na itong gawin sa kanyang kontrata sa Sparkle at gusto niyang iwasan ang legal battle kung sakaling habulin man siya ng iniwang management team.

Ang kamukha niyang artista, eh, mula sa GMA bago lumipat sa Channel 2, huh!

Naku, kung wala nang trabaho, huwag nang umarte pa kung lilipat. Kailangan mabuhay ng tao.

BET ANG WAR MOVIE

ReyNATAWA kami nang sabihin ng writer-director na si Joven Tan na war movie naman ang gusto niyang gawin dahil achieved na niya ang wish list na makagawa ng musical film sa Summer MMFF movie niyang Kahit Maputi na ang Buhok Ko.

“Oo, kasi ang ginagawa kong movie ngayon, Pilipinas Kong Mahal. Tungkol ‘yon sa mga war veteran,” sabi ni Direk Joven sa guesting niya sa kinabibilangan naming podcast na Marites University.

Kasamang nag-guest ni Direk Joven ang bida ng Kahit Maputi… na si RK Bagatsing na sinabing third option lang siya sa movie.

“Pero para sa kanya talaga ang movie. Ngayon, ang dami nang doors na nag-open sa kanya,” sey ng direktor.

Sa pahayag ni RK, magiging kapareha siya ni Judy Ann Santos sa pagbabalik-series niya at may project din sila ng real-life girlfriend na si Jane Oneiza.

AUTHOR PROFILE