Shaina

Shaina, ginutom sa ‘Apag’

April 6, 2023 Ian F. Fariñas 470 views

RELATE ang press sa gutom na inabot ni Shaina Magdayao sa press screening/mediacon ng pelikulang Apag ni Direk Brillante Mendoza para sa 1st SMMFF.

Bukod kasi sa kakaibang kwento, ipinakita rin dito ang iba’t ibang sikat na putahe ng mga Kapampangan.

Kaya naman biro ni Shaina, “Sigurado po nagutom po kayo. Kasi ako po, nagutom.”

Seryosong dagdag niya, “Nakakatuwa po na maging parte ng isang pelikula na hindi lang po maganda. Nasu-showcase pa po natin, ‘no, ang pagkaing Pilipino. So, sana marami pa pong tao ang makapanood nito at maka-appreciate ng ating kultura.”

Pinasalamatan ng aktres si Direk Dante at ang co-star na si Coco Martin sa pagsama sa kanya sa cast ng Apag.

“Kahit lugi ako, Dudong!” baling niya muli sa tatawa-tawang si Coco. “Lugi ‘ata ako doon sa special participation ko, eh, Direk, dinaan ka na sa pakikipagkaibigan, ‘no? Hahaha!

“Hindi, pero maraming salamat po dahil isa pong malaking karangalan sa akin na maging parte ng isang magandang pelikula directed by Direk Brillante Mendoza,” seryosong pagtatapos ni Shaina.

AUTHOR PROFILE