PPOP

PPop Gen, salang-sala

April 6, 2023 Ian F. Fariñas 516 views

MULA sa 45 members, sinalang maigi ng Viva Records, Viva Artists Agency at batikang choreographer/dance artist na si Geleen Eugenio ang all-girl Pinoy pop group na PPop Gen kaya pito na lang ito ngayon.

Ito ay sina Gabh, Sofia, Sarah, Princess, Madz, Char at Angela.

Handang-handa na nga ang grupo na makipagbanggaan sa iba pang P-pop groups sa pamamagitan ng bago nilang single na Hanggang Tingin Ka Lang.

Para sa PPop Gen, ang bagong era na ito sa career nila ay oportunidad para mas lalo pa silang kumapit sa isa’t isa.

Ani Angela, gaya ng naunang release nila na Prinsesa, makahulugan din ang bagong single nila, “The song talks about putting people in their place as they tend to forget and cross boundaries in admiring people.”

Co-produced nina Kevin Yadao at Geleen, ang pinakabagong statement track ng PPop Gen ay may official music video na available na ngayon sa Viva Records YouTube channel.

AUTHOR PROFILE