KC

KC gusto nina Sharon at Gabby na mag-asawa na

April 9, 2023 Aster Amoyo 380 views

KC1MARIA Kristina Cassandra Cuneta Conception popularly known as KC Concepcion turned 28 last April 7 and is rumored to be in a relationship with a Swiss-Filipino businessman named Steve Michael Wuetrich or simply Mike Wuetrich. The rumored couple has been seen in various occasions at kasamana rito sa isang Emirates flight at pamamasyal sa Switzerland.

Sa pagkakataong ito ay may pagka-discreet ang relasyon ng dalawa compared sa mga naunang relasyon ng panganay ng estranged couple, ang megastar nasi Sharon Cuneta at ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion.

Kung ang parents lamang ni KC ang masusunod, maging ang kanyang step-dad na si dating Sen. Kiko Pangilinan ay gusto na rin nilang magkaroon ito ng sariling pamilya. Siyempre hindi rin naman hawak ng actress-entrepreneur ang kanyang future kaya hindi pa rin nito masabi kung si Michael or Mike na nga ang `the one’ para sa kanya.

KC’s mom Sharon was only 18 when she married her dad, Gabby and had her at age 19. Pero ngayong 38 na siya, gusto ng kanyang parents na bumuo naito ng kanyang sariling pamilya.

It was in June 2021 when KC decided to fly to California, USA where she is currently based but opted to come home to visit her family and celebrated her birthday here.

Dinalaw din niya ang kanyang amang si Gabby sa beach house nito in Batangas maging ang kanyang mom, stepdad and half-siblings.

Nakakapanghinayang lang kung bakit hindi nabibigyan si KC ng mga proyekto sa telebisyon at pelikula considering that she’s not only a good singer but also a good actress and host. Isa rin siyang successful celebrity endorser of products before.

Since KC has her own money, she can do whatever she wants.

Gardo ligtas na pero muling sasailalim ng isa pang operasyon

ACTOR Gardo Versoza (Mennen Torres Polintan in real life) is already out of the hospital matapos itong ma-discharge due to heart attack at kung saan siya sumailalim ng angioplasty procedure to unblock obstructed arteries or veins. Pero nakatakda siyang bumalik after two months para muling mag-undergo ng angioplasty. Mabuti at naisugod kaagad si Gardo sa hospital.

Ang actor at popular TikToker ay kasama sa cast ng ongoing hit primetime series ng ABS-CBN, ang “Dirty Linen” maging sa upcoming series on GMA, ABS-CBN and Viu, ang “Unbreak My Heart” na malapit na ring matunghayan. Kasama rin ang actor sa pansamantalang natigil na serye ng Kapuso Network, ang “Love, Die, Repeat” na pinangungunahan nina Xian Lim at Jennylyn Mercado.

Si Gardo ay ikinasal sa kanyang wife-manager na si Ivy Vicencio nung May 18, 2019 after being together for 13 years. It was in February 2019 nang mag-propose ang actor sa kanyang misis kung kanino siya may isang anak na si Deity Uziel.

Sen. Bong at Rep. Lani hindi raw pinilit ang mga anak na mag-pulitika

BongBong1TATLO sa mga anak ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cavite 2nd district Rep. Lani Mercado-Revilla na sina Bryan, Jolo at Ram ang pumasok na rin sa pulitika.

Matapos manilbihang vice-governor ng Cavite sa loob ng tatlong termino or siyam na taon, si Jolo ay siyang kinatawan ngayon ng unang distrito ng Cavite habang ang nakababatang kapatid na si Ram ay isa sa mga nahalal na Board Member ng bayan ng Cavite. Ang panganay na anak ng mag-asawa na si Bryan ay isa namang representative ng Agimat Partylist.

Kung babalikan, pare-pareho silang walang ambisyong pasukin ang pulitika pero napasok nila ang larangang ito dahil na rin sa mga taong nagtitiwala sa kanila na sinimulan ng namayapang ama ni Sen. Bong na si dating Sen. Ramon Revilla, Sr.

Bukod sa mag-asawang Bong at Lani at mga anak, ilan sa mga kapatid ng senador ay nasa pulitika rin, sina Strike Revilla (Mayor ng Bacoor) at Rowena Bautista-Mendoza (vice-mayor) habang ang kanilang brother-in-law na si Jun-Jun Ynares (asawa ng isa pa nilang kapatid na si Andeng Bautista-Ynares) ay isa ring seasoned politician sa Rizal at mula rin sa pamilya ng mga pulitiko.

Ayon sa mag-asawang Bong at Lani, never umano nilang in-encourage ang kanilang mga anak na pasukin ang pulitika. Kusa umano silang sumunod sa kanilang mga yapak.

Geneva at Jeffrey nas gustong magkaibigan lang

GenevaGeneva1HANGGANG ngayon ay palaisipan pa rin ang special friendship ng dalawang original members ng dating sikat na teen group, ang Smokey Mountain na sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo.

Consistent sila sa pagsasabi na sila’y mag-best friends lamang.

Pero kung pagbabasehan ang kanilang sweet photos together, ang kanilang constant travels to the beach at iba pang lakaran, walang maniniwalang magkaibigan lamang ang dalawa.

Geneva has been married twice but failed at meron na rin siyang two grown up children, ang 27-year-old na si Heaven sa kanyang first ex-husband na si Paco Arespacochaga at si London sa kanyang ex-fiance na isang Filipino-Australian na si Lee Paulsen.

Si Jeffrey ay binata pa rin hanggang ngayon and has never been married.

Matagal na ring single si Geneva kaya she can hang out with Jeffrey whenever they’re both free. Very close din ang binata sa namayapang ina ni Geneva maging sa kanyang daughter na si London.

So what’s holding them sa pagpasok sa relasyon when they’re both free and single?

“Mas masaya kami sa ganitong set-up,” pahayagni Geneva.

“Si Jeff is one person that I can trust and can run to anytime,” dagdag pa niya.

“Gen and I are both comfortable the way we are now,” pag-amin naman ng singer, actor, director at chemical engineer.

Pero hindi naman ikinakaila ni Jeff na nung mga bata pa sila at pareho pang active members ng Smokey Mountain ay nanligaw siya kay Gen pero na-basted umano siya.

Panahon lamang ang makapagsasabi kung ukol para sa isa’t isa sina Geneva at Jeffrey.

Barbie at Jak going strong kahit hindi loveteam

BarbieSA kabila ng mainit na pagtanggap ng fans sa tambalan nina Barbie Forteza at David Licauco, going strong pa rin ang relasyon ng Kapuso young actress sa kanyang boyfriend, ang Kapuso actor na si Jak Roberto na siyang kasama niya sa isang beach getaway in Bohol nitong nakaraang Holy Week.

Katunayan, sa susunod na buwan ng Mayo ay ise-celebrate ng dalawa ang kanilang ika-anim na anibersaryo bilang magkasintahan.

Ang dalawa ay nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa TV series na “Meant to Be” ng GMA.

Kapag nagkatuluyan ang dalawa, magiging sister-in-law ni Barbie ang isa pang Kapuso star na si Sanya Lopez na nakababatang kapatid ni Jak.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “ INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE