Jessy & Luis

Pagka-galante ni Luis, naaabuso — Jessy

August 3, 2021 Vinia Vivar 242 views

Inamin ni Jessy Mendiola na mas marami pa siyang naiipon ngayong may asawa na siya kesa noong dalaga pa siya.

“I’m one of those lucky ones na nabigyan ako ng chance to explore the digital world. And I just feel so blessed kasi hindi sagad ‘yung work ko pero I still earn, I think, double.

“And I’m just really happy na brands are still getting me and ‘yun nga, kaya ako nakaka-save,” sey ni Jessy sa tsikahan nila ni Enchong Dee para sa vlog ng aktor.

Pagdating naman daw sa expenses sa bahay, hati sila ng mister na si Luis Manzano.

“Actually, isa ito sa mga itinatanong din sa akin ng mga tao na parang ang iniisip ng mga tao, dahil asawa na ako ni Luis, hindi na ako gumagastos, Luis takes care of everything when it comes to money, but it’s more of like lumaki kasi ako na breadwinner, so I like the feeling na I can fend for myself. I can pay this, I can buy that, I can do whatever I want with my own money ’coz I have my own money,” sey pa ni Jessy.

Kaya ito rin daw ang advice niya sa married girls, dapat ay magkaroon din ang mga ito ng sariling kinikita at hindi dapat nakaasa lang sa asawa.

Puring-puri rin ni Jessy si Luis dahil napakagaling ng kanyang asawa sa pera.

“Si Luis kasi, magaling din sa pera. Sobrang galing niya sa businesses niya, sa pera, but he’s also so generous and sometimes, people take advantage of that,” sey ng aktres.

PROYEKTONG ISINIKRETO

Matapos ang teasers na lumabas recently ay pormal na ngang ibinahagi ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose ang detalye para sa kanyang proyekto na Limitless, A Musical Trilogy.

Sa kanyang post, sinabi pa ni Julie na one-of-a-kind project na maituturing ang nasabing musical trilogy. “I’ve never done this before and it’s something intimate and personal. I’m proud to say that this is a one-of-a-kind project. GMA Synergy, my team, and I tried to keep it a secret for quite a while, and now I want to share a piece of my heart in this journey with you.”

Matatandaang bumiyahe si Julie pa-Mindanao recently. Ito pala ay para sa Limitless. Pero hindi lang daw Mindanao ang i-explore ni Julie kundi pati ang naggagandahang lugar sa Visayas at Luzon.

Last Friday (July 30) nga ay inilabas na rin ang video para sa Limitless na ibinahagi rin ni Julie sa kanyang Instagram account.

Say pa niya, “Unti-unti, napapakilala na namin ang proyektong ito. Isang paglalakbay sa pagkakakilanlan. And with every step, I learn more about myself. Walk with me.”

Talaga namang sunud-sunod ang mga proyekto ni Julie ngayong taon.

Ang Limitless, A Musical Trilogy ay produced ng GMA Synergy. Available na ang tickets sa www.gmanetwork.com/synergy.

AUTHOR PROFILE