Sharon

Sharon, may matinding pinagdadaanan habang naka-10-day quarantine

August 3, 2021 Ian F. Fariñas 204 views

Kiko & SharonTAHIMIK na bumalik ng bansa si Megastar Sharon Cuneta ilang araw bago ang nakatakdang enhanced community quarantine (ECQ) sa August 6.

Base sa Instagram post ng bida ng Vivamax feature na Revirginized, dumating siya noong August 1 matapos ang ilang buwang pamamalagi sa Amerika.

Inamin pa niya na may pinagdadaanan siya ngayon kaya nanghihingi ng dasal sa followers niya.

Post ni Sharon sa IG, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me. Going through so much so please pray for me. Kahit talaga anong tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema. Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely. Lilipas din lahat ito! Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon. Excited na po ba kayo sa “Revirginized?!!!” Ako super! August 6 na po! Love you all and God bless all of us!”

Winelcome rin siyempre si Sharon ng mister niyang si Senador Kiko Pangilinan, na nag-post naman sa sariling IG account ng litrato nilang mag-asawa na nagpa-flying kiss.

Ani Sen. Kiko sa caption, “Welcome home, Sutart!!! We missed you so much.

“Quarantining for 10 days so hanggang flying kiss na lang muna dahil sa mahigpit na social distancing. Bawal lumapit o makasama ang mga mahal sa buhay kapag galing sa biyahe sa ibang bansa at habang nasa 10 day quarantine. Hay…new normal. Ika nga, so near and yet so far.

“The kids and I surprised Sharon with hand made posters and flowers. Good job, kids!”

At dahil nag-off nga raw ang Megastar ng kanyang socmed accounts habang nasa U.S., ngayon lang niya nabalitaan ang pagyao ng sikat na impersonator niyang si Ate Shawee. Na-shock si Sharon sa malungkot na balita.

Dahil dito, ni-repost niya ang ilang pictures nito sabay lagay ng caption na, “I had deliberately, totally ignored my Philippine phones in the U.S. and enjoyed the radio silence using only my U.S. phone. I hardly checked all my social media platforms and went on them to post then rarely, read and reply to some of your comments. So it was a SHOCK to me to find out that my Official and favorite impersonator, Marvin, our Ate Shawee, had been sick and passed away…I sincerely, deeply am affected by his passing. I appreciated and adored Marvin and in those lean years of my career when I was too fat to work, seriously even worried about what Marvin would be able to do impersonating me and getting any jobs at all. Now he is gone. And not just Marvin…I will spare you details of others I have lost recently too, as well as what I have been having to deal with. May mga dinadala pa po ako ngayon pero ayoko ng sad kayo kaya pakipagdasal na lang po ako.

Salamat sa Dios okay naman kami ng pamilya ko kaya yun ang importante. Kaya rin po kahapon pa ako ng umaga nakabalik sa Manila, pero quiet na quiet lang po ako dahil may mga problemang kailangan lagpasan. Never naman ako pinabayaan ng Panginoon kaya sure ako lilipas din ito. Anyway – back to Marvin…my deepest condolences to his family, friends, and loved ones

Napakasakit nito sa akin at sa aking Sharonians. Mahal na mahal ko si Marvin at wala akong kamalay-malay kahit nung may sakit siya dahil I was in “escape mode” for peace kahit sandali lang sa Amerika. I love you and always will, my Ate Shawee, my Marvin. Maraming salamat sa pagmamahal, marespetong pagganap sa akin at pagpapaligaya sa aming lahat. Mamimiss kita talaga…may God bless and embrace your loved ones through this most difficult time…”

Samantala, mula sa kanyang pagka-quarantine ay sunud-sunod naman ang magiging virtual schedule ni Sharon para sa promo ng Revirginized na i-stream na sa Vivamax simula August 6.

Kasama si Marco Gumabao bilang leading man, ang Revirginized ay mula sa panulat at direksyon ni Direk Darryl Yap ng Jowable, Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar, etc. fame.

AUTHOR PROFILE