Susan

Pagbabalik-tanaw sa buhay ni Susan

May 22, 2022 Aster Amoyo 157 views

Susan1

Susan2ALMOST 18 years matapos sumakabilang-buhay ang King of Philippine Movies na si Fernando Poe,Jr. (Ronald Allan Kelley Poe) nung December 14, 2004 ay sumunod naman ang kanyang maybahay, ang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces (Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe) nung nakaraang Biyernes ng gabi,May 20, 2022, over two months short of her 81st birthday sa darating na July 28.

Considered one of the most beautiful faces in showbiz since she entered showbiz in 1952 at age 10, sandali itong tumigil at bumalik lamang in 1956 at ginawa niya ang “Sino Ang Maysala,” “Mga Anak ng Diyos,” “Mga Ligaw ng Bulaklak,” “Prinsesang Gusgusin,” “Ulilang Anghel,” “Langit at Luna,””To Susan with Love,” “Florinda” at napakarami pang iba.

Susan had been in the business for seven decades and had done over 130 movies including her classic films “Gumising Ka Maruja,” “ Patayin Mo sa Sindak si Barbara” “Bakasin Mo Ang Gunita,” “Kulay Rosas ang Pag-ibig,” “ Sino ang Maysala,” “Mga anak ng Diyos,” “Ikaw ang Lahat sa Akin” and her iconic films with her husband like “Ang Daigdig Ko’y Ikaw,”“ Perlas ng Silangan,” “Ikaw Ang Lahat Sa akin,””Forever,” “Tanging Ikaw,” “No Retreat, No Surrender,” “Pilipinas Kong Mahal,” “Zamboanga,” “Zorrento,” among others.

Nakagawa rin siya ng ilang TV series at kasama na rito ang “Walang Hanggang” in 2012 up to 2014 na pinangunahan nina Coco Martin at Julia Montes at ang top-rating and long-running action drama series na “Ang Probinsyano” kung saan isa sa mga original cast members si Susan na nakilala nang husto sa kanyang role as “Lola Flora,” the ever loving and thoughtful grandmother of Cardo Dalisay played by Coco.

Dahil sa pandemic, naging scarce ang appearance sa nasabing serye ni Susan due to her age.

Nang magkasama sila ni Coco sa TV drama series na”Walang Hanggan,” doon nagsimula ang bonding ng ‘mag-lola’ kaya muli silang nagsama sa “Ang Probinsyano,” ang TV remake ng iconic movie ni FPJ na idolo ni Coco.

Sa pagpanaw ni Susan, isa si Coco sa labis na nalungkot.

Nagkaroon din si Susan ng isang weekly sitcom, ang “John en Shirley” kung saan niya nakasama ang yumaong comedy king na si Dolphy at ang Diamond star na si Maricel Soriano. Ang nasabing sitcom ay spin-off ng “John en Marsha” noon nina Dolphy at nasirang Nida Blanca, ang programang pinagmulan ni Maricel Soriano bilang child actress.

Susan3Si Susan ay pangalawa sa apat na magkakapatid na lahat babae. Ang tatlo pa niyang mga kapatid ay sina Bennet, Teresita at ang bunsong si Rosemarie Sonora na isa ring sikat na actress noon sa bakuran ng Sampaguita Pictures. Siya ang ina ng singer-actress na si Sheryl Cruz.

Si Susan ay isinilang sa Bacolod to a French-American mother of Jewish descent na si Purificacion Levy and a mestizo father of Spanish and Chinese descent na si Dr. Jesus Sonora. Ang pamilya ni Susan ay bahagi ng malaking clan ng mga Locsin sa Bacolod na nagsimula sa Iloilo City.

Ang yumaong mag-asawang FPJ and Susan ay may adopted daughter na si Grace Poe-Llamanzares, dating chairman ng MTRCB-turned senator na ang half-siblings (sa father side) ay sina Ronian Poe at ang popular singer-actress na si Lovi Poe.

During the peak of Susan’s popularity sa bakuran ng Sampaguita Pictures, she was pitted against the other Sampaguita popular star, the late Amalia Fuentes but that was a friendly competition. In fact, ang kanilang respective fans lamang ang nag-aaway-away.

Si Susan ay nakapag-uwi ng limang FAMAS Awards at dalawa rito ay Best Actress Awards at dalawang beses nakatanggap ng Lifetime Achievement Award mula sa FAMAS Awards in 2017 at Film Academy Awards of the Philippines nung 2003. Ginawaran din siya ng Dr. Ciriaco Memorial Award in 1959.

Siya’y ikinasal sa action and movie king na si Fernando Poe, Jr. nung December 25, 1968 matapos magtanan ang dalawa at magpakasal sa isang civil weddingF

Although marami noon ang nanliligaw kay Susan, si FPJ ang kanyang una’t huling pag-ibig. Ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay tumagal ng 36 years na nag-cut short nang magka-heart attack si FPJ na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan nung December 14, 2004 seven months after the presidential elections kung saan pinaniwalaang si FPJ ang nanalo.

A soft-spoken and kind-hearted woman, iniwan din ni Susan ang kanyang manugang na si Neil Llamanzares at mga apo na sina Brian, Hanna at Nikka.

Ang mga labi ng movie queen ay nakaburol ngayon sa Heritage Memorial Park in Taguig City hanggang May 24 ng 10 p.m. Internment schedule will be announced later.

AUTHOR PROFILE