WHAT'S NEW

SEE ALL
Alden

Pagba-budget, dapat pagtuunan ng pansin ng mga artista — Alden

July 20, 2022 Jun Nardo 304 views

HINDI ipinagdamot ni Alden Richards na ibahagi ang kanyang natutunan bilang artista at performer sa loob ng mahigit sampung taon niyang pananatili sa showbiz.

Sa naganap na professionalism and good ethic workshop na isinagawa ng GMA Artist Center, ibinida ni Alden sa mga baguhang Sparkle artists ang kahalagahan ng punctuality sa work at respeto sa mga kasamahan sa trabaho.

Bahagi ng pahayag niya, โ€œI wanted to talk to the new artists ng Sparkle and gusto ko kahit papaano maka-impart ng wisdom and knowledge kasi Iโ€™ve been in the business for 11 years.โ€

Sa isang parte ng kanyang pahayag, binigyang-diin din ni Alden ang kahalagahan ng pagba-budget ng kinikita sa trabaho.

โ€œDapat pagtuunan ito ng pansin ng mga artista,โ€ sey pa ni Alden.

Pinagbigyan din ng Asiaโ€™s Multimedia Star ang ilang tanong sa question and answer portion ng workshop at pagkatapos ay may photo ops siya with the Sparkle artists.

Soon, mapapanood na ang unang tambalan nina Alden at Bea Alonzo na Start-Up PH at kasunod na trabaho ni Alden ay ang kanyang US tour ng ForwARd concert niya.

WINNER SA REGALONG BAHAY

WINNER na agad si Herlene โ€œHipon Girlโ€ Budol kahit sa July 31 pa ang Bb. Pilipinas Universe pageant kung saan siya kasali.

Aba, inilabas sa 24 Oras ang regalong bahay kay Hipon Girl ng manager niyang si Wilbert Tolentino.

Sa totoo lang, nagkaroon ng bagong image si Herlene mula nang mapabilang na contestant sa Bb. Pilipinas.

AUTHOR PROFILE