Luis puwede nang mag-quit sa showbiz

July 21, 2022 Aster Amoyo 353 views

Luis1

FORTY-one-year-old TV host-actor, celebrity endorser, social media influencer and entrepreneur Luis Manzano admitted that at one point ng kanyang showbiz career ay gusto niyang mag-quit at mamuhay nang tahimik bilang isang private citizen. Pero ang tawag ng showbiz ay mukhang mahirap alisin sa kanya lalupa’t sa industriya ring ito bahagi ang kanyang estranged parents na sina Vilma Santos at Edu Manzano.

Luis is one of the most in-demand TV hosts in the industry where he is much busier kesa sa pagiging actor. Ang talent niya in hosting ay walang duda na kanyang minana sa kanyang parents na sina Edu at Vilma.

Maging ang buhay-pag-ibig ni Luis ay hindi lihim sa publiko, ang kanyang panliligaw noon kina Anne Curtis at Toni Gonzaga at naging relasyon sa iba’t ibang showbiz personalities tulad ng Filipino-Italian actress na si Nancy Castiglione, Angel Locsin, Jennylyn Mercado and eventually marrying actress Jessy Mendiola.

Luis is the kind of guy mothers would love their daughters to marry dahil bukod sa mabait at ma-respeto, he is a very responsible person.

He waited to turn 40 bago siya nag-asawa. He started dating his wife Jessy in June 2016, got engaged on December 12, 2020 and tied the knot on February 21, 2021 (02-21-21).

Alam ni Luis na hindi pang-forever ang showbiz kaya may fallback siya just in case dumating ang panahon na hindi na siya ganoon ka-in demand . Bago pa man siya nag-asawa ay may iba’t ibang negosyo nang pinasok si Luis at kasama na rito ang transport business na LBR Transport, Inc., gasoline franchise at iba pa.

If he thinks he’s no longer needed in the industry, he can always concentrate on his various businesses.

Iisa na lang ang wish nina Vilma at Edu kung para sa kanilang panganay na anak, ang magkaroon ng apo.

Mercado

Lydia de Vega nangangailan ng tulong

TULAD ng veteran actor na si Pen Medina, nangangailangan din ng financial help ang pamilya ng former athlete na si Lydia de Vega-Mercado (57) na nasa critical condition ngayon dahil sa kumplikasyon sanhi ng kanyang stage 4 breast cancer. Sumailalim na rin sa brain operation ang Filipina sprinter pero patuloy ang paglala ng kanyang kundisyon.

Dapat tumulong na rin siguro ang pamahalaan particularly ang Philippine Sports Commission sa medical treatment ni Lydia na nakapag-uwi ng maraming karangalan sa bansa.

Si Lydia ay naging member ng Gintong Alay Track & Field Program in 1979 at ang kanyang amang si Tatang de Vega ang unang tumayong coach niya. In 1981, siya’y nanalo ng kanyang unang gintong medalya sa Southeast Asian Games (SEA). Taong 1989 at 1991 ay pansamantala siyang huminto sa kanyang pagiging athlete at binalikan niya ang pag-aaral at pag-aasawa at bumalik siya in 1991 but signified her retirement from sports in 1994. Nanilbihan din siyang konsehal sa kanilang distrito sa Meycauayan. Taong 1995 naman siya’y ma-appoint bilang liaison offer ng Alliance of Coaches of the Philppines with the Philippine Sports Commission.

Nung December 2005 ay nagtungo siya ng Singapore at tumayong coach sa mga atleta ng isang private school sa nasabing bansa.

Huling public appearance ni Lydia ay noong 2019 nang siya’y maging flag bearer ng Pilipinas sa Southeast Asian Games na sa Pilipinas ginanap.

It was in 2018 when she was diagnosed of breast cancer na patuloy niyang nilalabanan.

Sa mga taong gustong tumulong kay Lydia ay mangyari lamang makipag-ugnayan sa kanyang anak na si Stephanie de Vega Mercado sa teleponong 0909-6005244 o di kaya mag-deposito sa BPI under the account of Stephanie de Vega Mercado with account number 3209-0956-44 Si Lydia ay nagkaroon ng tatlong anak sa kanyang mister si Paul Mercado.

Ang kanilang four-year-old son noon na si John Michael ay sumakabilang-buhay dahil sa isang car accident.

SethSeth1

Andrea at Seth nagpakita ng professionalism

IPINAKITA ng dating young loveteam na SethDrea na sina Seth Fedelin at Andrea Brillantes ang kanilang pagiging professional dahil kahit may problema na noon ang kanilang relasyon nang gawin nila ang “Lyric & Beat” original musical series for iWant TV ay natapos nila ang proyekto nang maayos.

Although si Seth ang itinuturing na biggest heartbreak ni Andrea, nanatili ang kanilang pagiging magkaibigan dahil nasa iisang home studio at industriya ang kanilang kinabibilangan.

Sinabi rin ni Andrea na alam niyang pagtatambalin sina Seth at Francine Diaz sa isang teleserye kaya hindi na umano siya nagulat.

Sina Seth at Francine ay unang magkakasama bilang magkapareha sa upcoming Kapamilya teleserye, ang “Dirty Linen” kung saan ding tampok na mga bituin sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Naintriga sina Seth at Francine nang dumalaw ang una sa bahay ng young actress last January but at that time ay wala na sina Seth at Andrea. It was in April this year nang aminin naman ni Andrea ang relasyon nila ng young professional cager na si Ricci Rivero.

Kapag nag-click ang unang tambalan nina Francine at Seth sa “Dirty Linen” ay malamang na silang dalawa na ang tutukan bilang bagong magka-loveteam.

WATCH for my exclusive interview with actress-comedienne and interior decorator Carmi Martin on “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel today, Friday, July 22 at 12:00 noon. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo. Subscribe, like, share and hit the bell icon.

AUTHOR PROFILE