Castdeleter

Pag-ayaw ni Nadine sa pag-aartista, na-delete ng ‘Deleter’

January 13, 2023 Vinia Vivar 506 views

Aminado si Nadine Lustre na hanggang ngayon ay nakalutang pa rin siya sa sobrang kaligayahan sa big success ng Metro Manila Film Festival 2022 movie niyang Deleter na bukod sa humakot na ng awards including a best actress trophy for her ay nag-no. 1 pa ito sa box office.

Kwento ni Nadine sa thanksgiving party na ibinigay ng Viva Films, talagang nagulat din silang lahat at hindi makapaniwala sa tagumpay ng pelikula.

“Kasi wala talaga sa plano naming maging MMFF itong Deleter. So, wala, hindi namin alam. Nakalutang pa rin kaming lahat until now. Wala talaga siya sa plano, eh. So hindi pa talaga siya nagsi-sink-in even until now,” sey ni Nadine.

“Ang dami pa ring nanonood, ang dami ko pa ring nababasang mga tweet, tapos, nag-extend pa. So, parang hindi talaga ako makapaniwala,’ dagdag niya.

Kaya naman labis-labis ang pasasalamat ng aktres sa lahat ng naka-appreciate ng kanilang pelikula.

At dahil nga rito ay mas lalo pa siyang ginanahan na gumawa ng mga out-of-the-box role at parang bumalik daw ang passion niya sa paggawa ng pelikula na parang nawala for a while sa kanya.

“I guess, ‘yung realization ko lang is para dito talaga ako. Dapat talaga umaarte ako. Kasi merong mga time na ayoko nang umarte or ayoko nang mag-artista, gusto ko na lang mag-business or outside of showbiz.

“So, I guess, ito lang talaga ‘yung na-realize ko na para dito talaga ako and mas na-realize ko ngayon na parang gustung-gusto ko siyang gawin. Mas passionate ako ngayon kesa dati,” aniya.

Ano ang feeling niya na tinalo niya ang pelikula ni Vice Ganda sa pagiging no. 1 sa takilya na for the longest time ay walang nakakagawa?

“Hindi ko po alam,” aniya sabay-tawa.

“As in ‘pag iniisip ko po ‘yung mga ganyan, sobrang ano siya sa ‘kin, parang unreal? Na parang ‘nangyayari ba ‘to?’ Para siyang panaginip kasi nga po, I guess hindi rin kasi sanay, parang bago rin kasi.

“Tapos, sobrang unexpexted po lahat ang nangyayari sa Deleter kaya ang hirap din niyang i-digest,” she said.

AUTHOR PROFILE