Snooky

Negang female host-actress, sinibak ng sikat na shopping app

January 13, 2023 Jun Nardo 351 views

INIREKOMENDA ng isang sikat na TV host sa executives ng isang sikat na shopping app na based abroad ang isang sikat ding female host-actress upang kuning endorser.

Kinuha naman ng brand ang female host-actress sa isa nilang special event.

Pero naloka ang executives ng shopping app dahil nang ilabas nila ang magiging endorser ng shopping app, sunud-sunod na bashing at negative comments ang natanggap nila.

Ang ending?

After two days na maging endorser nga app, sinibak nila agad ang female host-actress dahil sa takot na maapektuhan ang kanilang negosyo.

MGA BABAING TANOD, BIDA SA ‘MPK’

MGA babae naman ang bibida ngayong gabi sa episode ng Magpakailanman na Reyna ng Tahanan.

Bida sa episode sina Snooky Serna, Rochelle Pangilinan, Cai Cortez, Liezel Lopez at Lovely Rivero.

Kuwento ito ng limang babae na pumapel na barangay tanod upang protektahan ang kanilang tahanan at barangay.

AUTHOR PROFILE