Default Thumbnail

PA tutulong sa paghahanap ng nawawalang eroplano sa Isabela

January 28, 2023 Zaida I. Delos Reyes 1671 views

TUTULONG na rin ang Philippine Army (PA) sa paghahanap sa nawawalang eroplano na may anim na pasahero at sinasabing bumagsak sa kanundukan ng Sierra Madre sa Isabela.

Ayon kay PA spokesperson Col. Xerxes Trinidad, iniutos ni PA Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner ang pagde-deploy ng tatlong search and rescue teams mula sa 95th Infantry Battalion (IB) at 5th IB nitong Sabado para tumulong sa paghahanap.

“Search and rescue teams of the 95th Infantry Battalion (95IB), 5th Infantry Division braved the inclement weather as they continue to search for the missing passengers of the ill-fated plane that crashed in the Sierra Madre mountains of Isabela on January 27, 2023,” pahayag ni Trinidad.

Ayon kay Trinidad, nakipag-coordinate na ang 95th IB sa Cagayan Valley Disaster Risk Reduction and Management Council sa pagdedeploy ng tatlong search and rescue squads na binubuo ng 33 tauhan sa mga Barangay Dicambangan, Divilacan; Barangay Sapinit, Davilacan; at Barangay Dibuluan, San Mariano.

Matatandaang nitong Enero 23 ay iniulat na nawawala ang isang Cessna single-engine plane na may anim na pasahero.

Ayon sa ulat, nagtake-off ang eroplano mula saa Cauayan Airport sa Isabela noong Enero 23 ng hapon at inaasahan sanang lalapag sa Maconacon Airport sa eastern seaboard ng probinsya subalit nawala ito.