Ppop

P-POP GEN, HATAW SA BAGONG SINGLE

March 31, 2023 Jun Nardo 279 views

SINALANG mabuti ang members ngayon ng all-girl group na P-Pop Gen.

Aba, mula sa 45 members ng P-Pop Generation, pito ang naiwan upang maging final members ng P-Pop Gen na sina Gabh, Sofia, Sarah, Princess, Madz, Char at Angela.

Handang-handa na ang P-Pop Gen na makipagsabayan sa ilang all-girl group ngayon lalo na labas na ang bago nilang single na Hanggang Tingin Ka Lang.

Eh, bukod sa pagkanta, magaling ding humataw ang grupo na kitang-kita sa official music video ng Hanggang Tingin Ka Lang na available under Viva Records YouTube channel.

AUTHOR PROFILE