Enchong

Enchong, nangangamoy best actor sa SMMFF awards night

March 31, 2023 Vinia Vivar 452 views

Ngayon lang pumayag si Enchong Dee na gumanap na isang gay sa pelikula. Hindi nga lang basta gay, kundi transwoman pa ang papel niya sa 1st Summer Metro Manila Film Festival entry, Here Comes the Groom mula sa direksyon ni Chris Martinez.

Ayon sa aktor, talagang hindi siya nakatanggi sa isa sa mga producer na si Atty. Joji Alonso of Quantum Films nang i-offer sa kanya ang naturang comedy flick.

“Sunday night, tumawag po sa akin si Atty. Joji (Alonso of Quantum Films), ‘pag kausap n’yo po si Aty. Joji, parang wala po kayong ibang sagot kundi ‘yes.’ Ganu’n po siya mag-present ng pelikula,” kwento ni Enchong sa mediacon and screening ng Here Comes the Groom.

Dagdag niya, “Gusto ko pong pasalamatan si Atty. Joji kasi nu’ng kinausap niya ‘ko, ‘di ko alam kung totoo o hindi, pero sabi niya sa ‘kin, ‘ikaw talaga ‘yung naiisip dito’ so sabi ko, ‘sige po, laban, kailangan ko po ng ganitong materyal, gawin po natin ‘to.’

And in fairness, ang husay naman ni Enchong sa film at ngayon pa lang ay sinasabi na ngang nangangamoy-best actor na siya sa gaganaping Summer MMFF awards night sa Abril.

Showing na sa April 8 (Black Saturday) ang Here Comes the Groom mula sa direksyon ni Chris Martinez.

Kasama rin sa movie sina Maris Racal, Keempee de Leon, Gladys Reyes, Miles Ocampo, Tony Labrusca, Nico Antonio, KaladKaren, Awra Briguela, Iyah Mina, Fino Herrera with special participation of Kim Atienza.

PALABANG EX-GF

Isang palabang ex-girlfriend ang bagong panggigigilan ng mga manonood sa pagpasok ng karakter ni Elisse Joson sa Kapamilya teleseryeng Dirty Linen, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Gagampanan ni Elisse si Sophie Madrigales, ex-girlfriend ni Aidan (Zanjoe Marudo) na determinadong makuha muli ang kanyang pagmamahal.

Dahil dito, magsisilbing tinik sa buhay ni Mila (Janine Gutierrez) si Sophie dahil unti-unti na sanang nakukuha ni Mila ang loob ni Aidan para sa plano niyang paghihiganti sa pamilya nito.

Sa isang interview sa “Kapamilya Chat” kamakailan, ikinuwento ng aktres na natutuwa siyang mapabilang sa isang kapanapanabik na kwento kasama ang mahuhusay na co-stars.

“I was really excited kasi ang tagal ko ring hindi gumawa ng teleserye. Nandoon ‘yung gustung-gusto kong magtrabaho ng panibagong gagampanan. ‘Yung kaba rin is always going to be there pero ‘yung kabang masaya,” sabi niya.

Ibinahagi rin ni Elisse na dapat abangan ng mga manonood ang iba pang pasabog na rebelasyon, kabilang na rito ang masalimuot na sikreto ng kanyang karakter.

“There’s so much more in Sophie na magugulat kayo. I’m excited to watch din kung paano mag-a-unfold ‘yung story ni Sophie, kung ano ‘yung dala niyang bagsik,” sabi pa niya.

AUTHOR PROFILE