Default Thumbnail

Ospital sa Sampaloc nasunog, mga pasyente inilikas

June 24, 2022 Jonjon Reyes 204 views

NAGKAROON ng tensiyon ng makaraang magliyab at magkasunog sa ilang bahagi ng Hospital of the Infant Jesus Medical Center sa Sampaloc, Maynila, Biyernes ng madaling araw.

Umabot sa sampung pasyente at ilang staff ng ospital ang inilikas sa ligtas na lugar kabilang ang mga ibang pasyente, at mga bantay.

Base sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), pasado alas-4:44 ng madaling araw nang tupukin ng apoy ang isang bahagi ng nasabing gusali sa Lacson St., Laong Laan sa Sampaloc.

Sa datos ng BFP, umakyat sa ikalawang alarma ang sunog at pasado 7:36 ng umaga nang idineklarang “fire out”.

Nabatid din sa ulat ng BFP na ang mga pasyente ay mula sa general ward ng ospital at nasa mabuting kalagayan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Arson Division kung ano ang sanhi ng sunog at inaalam pa ang kabuuang halaga ng mga kagamitang natupok.

AUTHOR PROFILE