Oplan Galugad Nagsagawa ng sorpresang ‘Oplan Galugad’ ang mga operatiba ng Manila Police District (MPD) sa Manila South Cemetery sa pangunguna ni P/Lt. Orlando Mirando Jr. bilang preparasyon sa nalalapit na Undas. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Oplan Galugad’ inilunsad ng MPD, paghahanda bago ang Undas

October 8, 2022 Jonjon Reyes 1051 views

Oplan Galugad

PINANGUNAHAN ni P/Lt. Col. Orlando Mirando, commander ng Manila Police District (MPD) Sta. Ana Police Station 6 ang “Oplan Galugad” sa loob ng Manila South Cemetery na nasa boundary ng Makati at Lungsod ng Maynila at sakop ng nasabing police station, Biyernes ng hapon.

Sinorpresa ng mga tauhan ng Sta. Ana Police Station ang mga nakatira sa loob ng Manila South Cemetery bilang preperasyon sa nalalapit na araw ng mga patay – Todos Los Santos o “Undas” sa sementeryong pag-aaari ng Lungsod ng Maynila sa gitna ng Makati.

Pansamantalang pinagsama-sama ang mga indibidwal at inimbitahan ang mga ito malapit sa gate ng sementeryo para sa kani-kanilang pagkakakilanlan at matukoy kung ang iba sa kanila ay may warrant of arrest na nagtatago sa batas.

Isa ang naiulat na may arrest warrant dahil sa droga at ang isa’y naaktuhang humihitit ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Ayon pa sa ulat ni Mirando, pasado alas 5:00 ng hapon nang sabay-sabay na nagtungo kasama ang kanyang mga operatiba at kapulisan sa nasabing sementeryo katulong nito si P/Maj. Jake Arcilla, na siyang chief of operation, at maging ang ibang PCP (Police Community Precinct) commander at mga tauhan nito na sina PSMS Clyde Villareal na siya ring team leader ng Intelligence nang surpresahin ang mga residente kabilang ang mga ibang tao na narooon sa loob ng sementeryo.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng MPD ang mga kriminal na manirahan sa loob ng sementeryo at may mga kasong kinakaharap kabilang ang mga “most wanted person” (MWP), mga gumagamit ng bawal na gamot, at mga iba’t-ibang masasamang loob.

Dahil dito, mas pinalakas ni Mirando ang seguridad sa loob ng sementeryo at sa kanyang nasasakupan, sa pinaiiral na “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement” (SACLEO) ayon na rin sa direktiba ni MPD Director P/Brig. Gen. Andre P. Dizon.

AUTHOR PROFILE