MPD Namigay ang mga kapulisan ng Binondo Police MPD Stn. 11 ng mga ‘Information, Education, and Communication’ (IEC) materials kaugnay sa Undas 2022 sa Chinese Cemetery. Kuha ni Jon-jon Reyes

‘Oplan Bandillo’ inilatag sa Chinese Cemetery

November 2, 2022 Jonjon Reyes 136 views

NAGSAGAWA ng “Oplan Bandillo” at Distribusyon ang mga kapulisan ng Binondo Police MPD Station 11 sila ay namahagi ng mga “Information, Education, and Communication” (IEC) materials kaugnay sa pagdaraos ng ligtas at payapang Undas 2022 at hinggil sa iba’t-ibang modus operandi ng mga kriminal, crime prevention tips, at dissemination ng Manila Police District (MPD) hotline numbers.

Personal na ibinigay ng mga kapulisan sa mga dumadalaw na mga kababayang Tsinoy sa kanilang yumaong mga kamag-anak at mahal sa buhay sa Chinese Cemetery sa pangangasiwa ni P/Lt. Florante Raquin, chief ng SCAD, kasama sina P/SSgt. Rharl Nicdao, at P/Cpl. John Louie Trinidad sa pangunguna ni PEMS Jennifer Guzman kasama ang Police Station (PS) 11 Advocacy Support Groups (Force Multipliers) sa patnubay ni P/Lt. Col. Rexson G. Layug, station commander ng nasabing station.

Kasabay nito nagpaalala din ang mga kapulisan kaugnay sa minimum health protocols, lalo na sa wastong pagsusuot ng face mask, sa loob ng sementeryo.

Naging maaliwalas at mapayapa naman ang paligid ng nasabing sementeryo ng mga Filipino-Chinese at lubos ang kanilang pasasalamat sa mga kapulisan ng MPD dahil naging panatag at walang pangamba ang mga ito dahil sa ginagawang pagbabantay ng Team MPD ni P/Brig. Gen. Andre P. Dizon na may temang: “Approachable, Presentable, at Dependable” (A.P.D.) kasama ang programa ng NCRPO S.A.F.E. ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Jonnel Estomo, at ang M+K+K=K “Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan= Kaunlaran” maging ang Kasimbayana – “Kapulisan, Simbahan at pamaYANAN” ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

AUTHOR PROFILE