Marian

Open audition ng All Access to Artists, inaabangan

February 11, 2023 Ian F. Fariñas 644 views

Inaabangan ng mga gustong mag-artista, maging performers at influencers ang open audition ng All Access to Artists (AAA).

Ang AAA ay isa sa leading talent agencies sa Pilipinas. Kabilang sa kanilang roster of talents ay sina Marian Rivera, Maine Mendoza, Baste, Kitty & Kakai Almeda, Kayla Rivera, Hershey Neri, Nichole Morgan at Ver5us.

Ikaw na ba ang hinahanap nilang amazing talent? Chance mo na ito para ipakita kung ano ang maibubuga mo. Mapa-dancing, acting, singing o hosting pa iyan. This is the perfect timing dahil may open audition ang AAA sa February 25, mula 1 hanggang 5 p.m., sa APT Studios.

Para magkaroon ng audition slot, kontakin si Jerick Pangilinan sa 0917-7067034.

AUTHOR PROFILE