Dantes

Marian, game sa baby no. 3

January 9, 2023 Vinia Vivar 324 views

Masaya at kuntento na si Marian Rivera sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto. Pero kung bibigyan daw sila ni Lord ng pangatlo pang anak ay bonus na talaga ito.

“Sabi ko nga, kung ibibigay, why not? Pero kung dalawa lang talaga, why not din? Sabi ko nga, sobra-sobrang biyaya na,” sabi ni Marian sa Updated with Nelson Canlas podcast.

“Minsan masarap din na makuntento ka kung ano ang meron ka, kasi doon ka magiging mas masaya kapag nakita mo ang surrounding mo na complete na talaga ang pangarap mo. Bonus na lang kapag may idadagdag pa,” dagdag ng Kapuso Primetime Queen.

Of course, magiging isang malaking blessing daw kung magkakaroon pa sila ng baby no. three pero wala raw problema kung hindi man ibigay sa kanila.

“Mas masarap na makuntento talaga kung ano ang meron. At masasabi ko ngayon na happy ako with Zia, Dong, Sixto, sobra-sobra. Sobra-sobrang blessings talaga. Thankful talaga ako,” aniya.

Kamakailan nga lang ay isang dream na naman ng mag-asawa ang natupad at ito ay nang makalipat na sila sa ipinagawang sariling bahay.

Inabot din daw ng apat na taon bago nabuo ang kanilang dream house at talaga raw pinagplanuhan din nila itong mabuti.

“Medyo in the process kami kung saan ba dapat, anong hitsura ng bahay? Kasi dream namin ito, eh, so gusto namin sa bawat detalye na gagawin namin ‘yun talaga ang gusto namin,” sey ni Marian.

Sobrang hands-on nga raw ni Dong sa pagpapagawa at araw-araw ay binibisita nito ang construction ng bahay.

May kanya-kanya nga raw silang favorite spot sa kanilang bahay.

“Si Dong kasi may favorite spot siya sa labas. Ako, ‘yung pinaka-sala namin, ‘yung favorite spot ko roon kasi nandoon ‘yung tama ng araw ‘pag umaga. So may mga ganu’ng arte-arte moment ako,” sabi ni Marian.

AUTHOR PROFILE