Ogie

Ogie, may tribute sa frontliners

December 22, 2021 Ian F. Fariñas 334 views

ANG lalaking nurse na nag-alaga sa na-Covid na ama ang isa sa mga nagtulak sa singer-songwriter na si Ogie Alcasid para sumulat ng kanta para sa frontliners.

Kuwento ni Ogie sa media launch ng kantang Bayaning Tunay, na-inspire siya sa katapangan at katapatan nito sa tungkulin dahil hindi sila iniwan maging sa burol ng dad niya.

Kaya naman sa pakikipagtulungan sa Kilkovid (Kilusang Kontra Covid) na pinamumunuan ni Dr. Tony Leachon, nag-alay si Ogie at mga kaibigang OPM artists ng kanta para sa tinaguriang real-life heroes ng pandemya.

Hindi naningil ng TF sina Piolo Pascual, Martin Nievera, Noel Cabangon, Lea Salonga, Lani Misalucha, Christian Bautista, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, atbp.

Handog ng Star Music ang Bayaning Tunay na mapapakinggan sa iba’t ibang music streaming services.

AUTHOR PROFILE