Dingdong

Dingdong at John, malakas ang laban sa pagka-best actor

December 22, 2021 Ian F. Fariñas 305 views

KAGABI ginanap sa SM Megamall ang premiere night ng A Hard Day, ang 2021 Metro Manila Film Festival entry ng Viva Films starring Dingdong Dantes, John Arcilla, Janno Gibbs, Al Tantay at marami pang iba.

Gaya ng naunang special screening sa Robinson’s Magnolia para sa exhibitors at filmmakers, pinuri ng mga nakapanood ang mahusay at maangas na pagganap nina Dong at John bilang tiwaling law enforcers sa Pinoy adaptation ng nasabing hit Korean movie.

Prediksyon ng marami, malakas ang laban nina Dong at John sa pagka-best actor sa Gabi ng Parangal. Mahusay din ang pagkakalatag ng kwento at camera work ni Direk Law Fajardo na impressive pati drone shots.

Anyway, after ng A Hard Day, bet ni Dong na makagawa ng isang biopic.

Hindi naman daw kailangang national hero ang gampanan niyang papel. Katwiran ni Dong, “I’m sure maraming figures out there na pwedeng gawin. Mga tao na sa sariling sikap ay significant ang impact sa lipunan.”

AUTHOR PROFILE