Armaine

Netizens, kinilig sa anniversary date nina Arjo at Maine sa yate

December 22, 2021 Ian F. Fariñas 362 views

MARAMING netizens ang kinilig sa romantikong sunset yacht date nina Arjo Atayde at Maine Mendoza sa kanilang ikatlong anibersaryo nu’ng Martes.

Sa pictures na ipinost ng magdyowa sa kanya-kanyang Instagram, makikita na pa-wine-wine ang dalawa habang napapaligiran ng pulang balloons.

“Life with you just keeps getting better. Happy 3rd Anniversary my bubba pie,” caption ni Arjo sa IG post.

Si Maine naman, isang simpleng “Happy third” na sinamahan ng heart emoji ang naging pagbati sa BF.

Obviously, aprubado sa ina at kapatid na babae ni Arjo na sina Sylvia Sanchez at Ria Atayde ang selebrasyon ng dalawa sa mga komento nilang, “Happy anniversary. Love you both” (Sylvia) at “Happy you’re both happy. Happy anniversary you two” (Ria).

Sa isang interview, minsan nang nabanggit ni Arjo na sobrang mahal niya si Maine dahil napaka-sincere nito.

Napag-uusapan na rin daw nila ang pagpapakasal dahil nga hindi na sila bumabata at ayaw nilang mag-aksaya ng oras lalo pa’t masaya sila sa piling ng isa’t isa.

AUTHOR PROFILE