Marian

Marian, nakapagsingit ng dalawang docu sa Israel

December 22, 2021 People's Tonight 441 views

INIYAKAN ni Marian Rivera ang pagka-miss sa mga anak na sina Zia at Sixto dahil kinulong sila ng asawang si Dingdong Dantes pagkagaling nila sa Israel.

Napagod man ang katawan sa non-stop na activities bilang isa sa judges sa katatapos na Miss Universe, super grateful and thankful pa rin siya sa experience na nakamit.

“I gained friends. Sobrang down to earth ng mga girls.

“At natupad ang wish kong makapunta sa Jerusalem! Nakapag-rosary pa ako. I feel so blessed and thankful,” saad ni Marian sa welcome virtual mediacon ng GMA.

“Pero nu’ng nasa quarantine kami, gusto ko nang umuwi. Naiiyak ako talaga!

“Nag-swab kami. Habang waiting sa result, nagdadasal ako na negative ang result or else, another quarantine!

“Nang lumabas na negative. Nagsasayaw ako! Lahat na yata ng sayaw, ginawa ko.

“Eh, hindi namin sinabi na uuwi na kami, kaya nang makita ako ni Zia, ‘Mama, you’re here! Is this a dream! Tuwang-tuwa siya!” kuwento pa ni Yan.

Habang nasa Israel, nakagawa ng dalawang documentary si Marian – isang solo niya at isang magkasama sila ni Dong.

“Abangan ninyo ‘yon dahil maraming surprises!” wika niya.

Pati na ang pagkakaroon nila ng made in Israel baby ni Dong?

“Naku, araw-araw pagod sa dami ng activities namin. Wala, hahaha!” diin ni Marian. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE