Ogie

Ogie at Ian, nagku-concert para sa sanity

December 1, 2021 Vinia Vivar 315 views

Nami-miss na raw nina Ogie Alcasid and Ian Veneracion ang mag-perform nang live. As we all know ay isa nga sa direktang tinamaan ng pandemic ang live performances ng ating singers and performers.

Sey nga ni Ogie sa virtual mediacon ng Christmas with the Stars, a fund-raising online concert, para raw tayong dumaan sa isang madilim na tunnel na tumigil ang lahat.

Kaya nga kahit pandemic ay gumagawa pa rin sila ng way para naman mailabas ang kanilang passion na makapag-perform.

Since hindi nga pwede ang live performances ay nag-shift sila sa online concerts.

“’Yung streaming, ‘yung online, pakanta-kanta. I didn’t do it because I wanted to earn money. To be honest, I’m just doing it to keep my sanity. Kumanta ka nang kumanta kahit wala kang kinakantahan pero may nakikita ka naman na virtual response,” ani Ogie.

Kaya nga raw nagkaroon din sila ni Ian ng online concert na Kilabotitos early this year.

“Obviously, we didn’t do that to make money. Medyo. But we did that because we felt the need that people needed to be entertained. Parang ganu’n ang naging focus namin,” he said.

Maswerte sina Ian, Ogie at iba pang singers/performers na tuluy-tuloy pa rin ang trabaho kahit pandemic.

Pero paano na nga raw ‘yung iba especially ang mga tao behind the camera ng stage production, ang mga freelance live production professional na talagang walang pumapasok na income mula nang ipagbawal ang mga live concert.

Kaya ang Ortigas and Company ay nakipagtulungan sa ATeam (Alcasid Total Entertainment and Artist Management) para suportahan ang mga kaibigan nila sa production ngayong Kapaskuhan sa pamamagitan ng pag-o-organize ng isang fund-raising online show called Christmas with the Stars.

At nakakatuwa nga dahil bukod kina Ogie at Ian ay pumayag ding mag-perform at mag-guest sa online concert (nang libre) ang naglalakihang mga pangalan sa music industry tulad nina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, Jose Mari Chan, The Company, Rj Dela Fuente, Krystle, Moira Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano at Maestro Ryan Cayabyab.

Christmas with the Stars will be streamed via ktx.ph on Dec. 11.

Ang proceeds ng concert ay mapupunta sa IPWG (Independent Production Workers Group).

The members of the IPWG include, freelancers who work for live events and concerts.

NASA DUGO ANG SHOWBIZ

Sa mga nagtatanong kung sino ang boses-anghel na kumakanta ng May Bukas Pa campaign video ni Senatoriable Jinggoy Estrada, siya po si Julienne “Jill” Ejercito, ang bunsong anak ng aktor/politiko.

Only 15 years old at graduating sa junior high school, matagal na palang hilig ni Jill ang pagkanta kaya naman tuwang-tuwa ang bagets nang malaman niyang siya ang kakanta sa campaign video ng kanyang ama na as we all know ay tumatakbong senador sa 2022 elections.

“I felt happy and got so excited when my mom told me that I was going to sing for my dad’s campaign song. I asked help from my brother, Kuya Julian to assist me on my recording since he does recording,” ani Jill.

Six years old pa lang si Jill ay hilig na niyang kumanta na sa tingin namin ay namana niya sa kanyang inang si Precy Vitug.

Ayon sa bagets, passion niya ang pagkanta at nais niyang maging singer in the future.

“I want to achieve my singing career and make music because that is my passion,” aniya.

Ang sarap naman talagang pakinggan ng boses ni Jill sa campaign video ng kanyang ama at pwedeng-pwede siya talagang maging singer.

‘Yun nga lang, asked kung may plano siyang pumasok sa showbiz, aniya ay hindi pa niya sure since nag-aaral pa nga siya.

But if ever, gusto niya raw maka-collaborate sina Moira dela Torre and Zach Tabudlo na hinahangaan niyang mga singer.

Sa mga artista naman, favorite niya sina Jodi Sta. Maria at Bea Alonzo.

Natanong din kung paano niya ide-describe ang ama niyang si Sen. Jinggoy at aniya, “Makulit at mapagmahal.”

Well, hindi kataka-takang in the near future ay makita na natin sa showbiz si Jill since nasa dugo naman talaga niya ang pag-aartista.

AUTHOR PROFILE