Mccoy

McCoy at Elisse, napag-uusapan ang praktikal na kasalan

December 1, 2021 People's Tonight 344 views

LUMUTANG si McCoy de Leon sa premiere night ng pelikulang Yorme: The Isko Domagoso sa SM Manila nitong nakaraang Martes, Disyembre 30.

Si McCoy ang gumanap an teenager na Isko (Moreno) na lumabas sa That’s Entertainment.

Ipinakita sa movie kung paano siya na-discover at lait-laitin dahil sa pinagmulan niya.

Naging accommodating ang aktor na makausap ng media upang alamin ang sitwasyon ngayong tatay na siya sa anak nila ni Elisse Joson kahit hindi pa kasal.

“Basta maging mabait, makatao at mging maayos paglaki.

“Lalo kong gustong magpursige sa buhay. Kasi hindi lang sarili ko ang binubuhay ko. May kapatid, magulang, may sariling pamilya na binubuhay ko ngayon.

“Dodoblehin ko ang trabaho ngayon. Siyempre, habang nagtatrabho, mas inspired ako sa gagawin ko,” pahayag ni McCoy sa pagkakaroon ng anak at kapapartner.

Paano ‘yung kasal nila ni Elisses?

“Napag-uusapan lagi ‘yon. Lagi rin naming napapag-usapan na maging praktikal kami ngayon. Siyempre, hindi biro ang magkaroon ng anak lalo na ngayon pandemya. Kailangan nating mag-ipon.

Soon, wala namang problema doon,” rason niya.

Tuloy pa rin siya sa showbiz. May inihahanda na rin sa kanyang pelikula.

Paano na ang loveteam nila ni Elisse?

“Hindi namin iniisip ‘yon. Kaya nga nu’ng lumabas ang baby, takot ako na kinakabahan. Masaya, halu-halo, kasi hindi ko alam kung ano ang masasabi ng mga tao lalo na kapag may nasabi sa anak ko, naku, baka hindi ko kayang kayanin!

“Pero hindi pala. Mas maraming natuwa. I think nasa right path ang buhay namin ni Eisse,” saad pa ng aktor.

Sa totoo lang, nag-swak si McCoy bilang teenager na Isko sa movie. Kumanta siya’t sumayaw sa original songs na gawa ng director na si Joven Tan, Anyway, dumalo rin sa preem si Yorme Isko na naiyak pa siya sa interview matapos mapanood ang movie.

Saka naurong ang December 1 playdate ng movie sa request na rin ng Manila mayor. Sa January 26 na ito ipalalabas dahil gusto ni Yorme na mas maraming batang makapanood nito dahil nataon sa vaccine day ang playdate.

Heartwarming at touching ang Yorme mula sa Saranggola Media Productions. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE