Default Thumbnail

OFW timbog sa loob ng punerarya sa cyber libel

February 23, 2023 Jonjon Reyes 300 views

INARESTO ang isang 56-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) sa loob ng isang punerarya sa kasong cyber libel, sa Malanday, Marikina City, Huwebes.

Ayon kay P/Capt. Rufino Casagan, hepe ng District Police Investigation Operation Unit ng Manila Police District (DPIOU-MPD), ang suspek ay taga San Policarpio, Eastern Samar.

Sa ulat, bandang 9:20 a.m., Pebrero 23, ng magtungo ang mga operatiba sa kinaroroonan ng suspek at saka inaresto sab isa ng warrant of arrest batay kay P/Col. Samuel Pabonita, chief ng District Investigation Division (DID-MPD).

Ang arrest warrant ay ibinaba ni Presiding Judge Renato Noel Capones Echague ng Regional Trial Court Branch 5 sa bayan ng Oras, Eastern Samar, Hunyo 22, 2022.

Kakaharapin ng suspek ang paglabag sa lbelo sa ilalim ng RA (Republic Act) 10175 Cybercrime Prevention Act of 2012 at kabilang ito sa most wanted sa district level ng Samar.

Nabatid sa pulisya, na nagkakaso ang suspek sa nasabing lalawigan at mula noon ay nagtago na ito sa Metro Manila.

Isang impormante ang nagbigay tip sa lokasyon ng OFW at kasama sa pag-aresto sina P/Capt. Pierre Jamil Datong ng San Policarpio Philippine National Police at ng ilang tauhan ng MDIT-RIU ng NCR, at Master Sergeant Redentor Quilala ng DPIOU-MPD.

AUTHOR PROFILE