Peter Pinagmamasdan ni New Zealand Ambassador Peter Kell ang replica ng M-3 Stuart Light tank sa ‘The Bunker’ kasama si Bataan Gov. Joet S. Garcia (gitna). Kuha ni CHRISTIAN D. SUPNAD

NZ envoy bumisita sa Bataan

April 12, 2023 Christian D. Supnad 256 views

THE BUNKER, Bataan – Bumisita nitong Martes sa Kapitolyo ng Bataan ang Ambassador ng New Zealand upang patatagin ang ugnayan ng kanilang bansa at ang Lalawigan ng Bataan.

“Matapos ang ating pakikipagpulong sa mga kinatawan ng New Zealand Creative HQ nitong Marso, personal namang binisita ni New Zealand Ambassador Peter Kell ang ating Lalawigan,” pahayag ni Bataan Governor Joet S. Garcia.

Sa pagbisita ng New Zealand envoy, ibinahagi ni Garcia ang mayamang kasaysayan ng probinsya ng Bataan “na naging inspirasyon ng ating ‘The Bunker’ na sa kasalukuyan ay nagsisilbing one-stop government center sa pagbibigay nang mas espisyenteng serbisyo publiko sa ating mga kababayan.”

“Patuloy nating palalawigin at patatatagin ang ating ugnayan sa New Zealand maging sa iba pang mga bansa na makatutulong sa ating Pamahalaang Panlalawigan sa pagkamit ng ating hangarin na mas patatagin ang bawat pamilyang Bataeño,” dagdag pa ng gobernador.