Default Thumbnail

No plate, no travel policy?

January 5, 2024 Allan L. Encarnacion 378 views

Allan EncarnacionKUNG sino man ang manalo kila Manny Pacquiao or Floyd Mayweather, dapat may 20% discount na!

Halos pareho nang “seniors” ang dalawa, nakakaisip pang magbuntalan sabi nga ng matatanda sa una.

45 years old na si Manny samantalang si Floyd ay 46 na. Sa tagisan ng boxing, seniors na ang ganyang edad. Ayaw pa ba nilang tanggapin ang katotohanan na ang edad nila ay hindi pang-boxing? Patintero nga or tumbang preso ay mahihirapan na ang ganyang edad, suntukan pa kaya sa lona?

Unless balak nilang mag-ilagan na lang!

***

Malaki ang kinita ng Metro Manila Film Festiival para sa taong 2023.

Magandang senyales na ito para sa recovery stage ng movie industry na nilumpo ng pandemic at pinahina ng mga basura nilang ginagawang pelikula.

Bagama’t sinasabing mas mataas ang kalidad ng batch 2023 movies, hindi ganito ang general situation sa buong taon kaya nawalan na ng gana ang maraming movie goers.

Malaking factor din dito ang sobrang mahal ng tiket sa mga sinehan. Sino naman ang makaka-afford ng P390 hanggang P470 na halaga ng tiket sa sinehan gayong napakahirap ng buhay ng marami nating mga kababayan? Iyong P470, ito iyong may puwersahan pang popcorn at drinks!

Kaya lang maraming nakanood ngayon, mas marami ang kumita sa panahon ng Kapaskuhan. May mga tumanggap ng bonus, 13th month pay at may mga nagbigay ng aginaldo. Ngayong balik na ulit tayo sa katotohanan, puwede ka na namang magbisikleta sa mga sinehan pagkalipas ng Christmas season.

Nakasalang ngayon sa usapan ang posibleng pagbaba ng halaga ng sine na tingin natin ay tamang kilos. Ang ideal sanang presyo ay P250 para mas marami ang maka-afford. Pero dapat hindi “pito-pito” ang pagkakagawa para mas tangkilikin ng mga manonood.

Ang pito-pito ay pelikulang pinilit tapusin sa pitong araw at pitong karakter para mas makatipid sa produksiyon!

***

Kung nagkakahigpitan sa no plate, no travel policy ang LTO at PNP-HGP, dapat muna nilang kausapin ang mga car dealers.

Ok lang kung mga lumang sasakyan ang huhulihin or sisitahin dahil walang plaka. Dapat naman may plaka na sila sa tagal na ng kanilang mga sasakyan.

Pero kung mga bago, halimbawa six months, 1 year or 2 years, bago nila sitahin ang mga ito kung bakit conduction stickers pa rin ang mga nakakabit na plaka, tanungin muna nila ang car dealers at ang LTO mismo.

Iyong ibang kakilala ko, 6 months na, wala pa ring naibibigay na plaka ang car dealer.

Chicken and egg na naman tayo kung sino ang dapat may kasalanan dito pero kitang-kita na LTO ang dapat sisihin sa pagpapatupad nila ng no plate, no travel policy na hindi naman nila naiisyuhan ng plaka ang mga bagong sasakyan.

[email protected]