Default Thumbnail

No. 4 MW ‘rapist’ timbog sa Tondo

March 5, 2022 Jonjon Reyes 260 views

ISANG 26-anyos na helper ang naaresto sa bisa ng arrest warrant dahil sa kasong rape matapos itong makorner sa Tondo, Maynila araw ng Biyernes.

Nahaharap ang no. 4 na “most wanted” (MW) na suspek sa Anti-Rape Law Article 266- A par 1 (a) Revised Penal Code na inamiyendahan sa RA 8353 na si Rico Balagos aka “Rico Marfel Balagosa” at “Pite”, isang stay-in helper sa Carmen Planas Street, Barangay 2 Zone 1, Tondo.

Batay sa ulat ni P/Lt. Col. Harry Ruiz Lorenzo lll, commander ng Manila Police District-Moriones Police Station 2, bandang alas-5:30 ng hapon Marso 4, 2022 nang masakote ang suspek sa loob ng tinutuluyang bahay nito sa nasabing lugar.

Dahil na rin sa utos ni Lt. Col. Lorenzo, agad na tumalima si P/Major Joseph Jimenez, hepe ng Intelligence Section kasama si P/Maj. Edwin Malababan, hepe ng Warrant and Subpoena Section at ilan nitong mga tauhan para pormal ihain ang arrest warrant.

Walang inirekomendang piyansa ang arrest warrant na inisyu ni Judge Jacqueline Martin-Balictar ng Regional Trial Court Branch 9 ng Maynila na may petsang Pebrero 11, 2022. Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE