Lopez

Team Lopez buo ang suporta sa BBM-Sara UniTeam

March 5, 2022 Jonjon Reyes 554 views

MADIING inihayag ng Team Lopez sa pamumuno nina Manila Mayoralty candidate Atty. Alex Lopez at katambal na tumatakbong vice mayor na si Raymond Bagatsing ang kanilang mensahe na buo ang kanilang suporta sa tambalan nina UniTeam presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at vice presidential bet Davao Mayor Inday Sara Duterte.

Kasama nina Atty. Lopez ang kanilang mga pambatong congressman at congresswoman at maging mga konsehal mula sa iba’t-ibang distrito ng Maynila matapos na magsagawa ng presscon sa Bayleaf Hotel sa Intramuros Maynila, Sabado ng umaga.

Nagbigay din ng maiksing mensahe ang kanilang mga kasama kaugnay sa mga problema sa lungsod ng Maynila na kanilang aayusin at bibigyan solusyun kung sakaling sila ay palarin sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

AUTHOR PROFILE