Default Thumbnail

No. 12 na MWP timbog sa Pandacan

July 23, 2022 Jonjon Reyes 391 views

PASOK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang isang 23-anyos na binata dahil sa inilatag na warrant of arrest sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga sa Pandacan, Maynila, Biyernes ng hapon.

Ayon kay MPD Director P/Brigadier General Leo Francisco, ang suspek ay pawang residente ng Dapo St., Pandacan sa Lungsod ng Maynila.

Ang suspek ay rank no. 12 na “most wanted person” (MWP) sa district level.

Batay sa ulat ni P/Maj. Cicero Pura, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, pasado alas-4:00 ng hapon nang tuluyang maaresto ang suspek sa loob ng kanyang tinutuluyang bahay.

Ang arrest warrant ng suspek ay inisyu ni Presiding Judge Caroline Rivera Colasito, ng Regional Trial Court Branch 23 dahil sa kasong paglabag sa Section 12 Article ll ng Republic Act 9165.

AUTHOR PROFILE