Default Thumbnail

MWP na ‘pipi’ tiklo sa droga; 1 clerk sa estafa

July 23, 2022 Jonjon Reyes 283 views

NAKABINGWIT ang mga kapulisan ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang “Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations” (SACLEO) ng mga wanted sa ilegal na droga at kasong estafa kamaikailan sa mga Lungsod ng Maynila at Quezon.

Naunang nasakote ng MPD Police Station 14 ang babaeng suspek na isang “pipi” matapos masangkit ito sa ilegal na droga, kamakalawa ng hapon sa panulukan ng Taft Avenue at TM Kalaw St., Ermita, Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col. Ramon Nazario, hepe ng MPD Stn. 14, ang suspek ay residente ng Victoria de Manila 1655 Taft Ave. sa Malate, matapos na arestuhin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Rolando Santoyo ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 179 na may nakalaang P200,000 na piyansa.

Ang suspek ay natimbog pasado alas-2 ng hapon dahil sa kasong paglabag sa Section 11 (3) Article II of R.A. 9165 sa isinagawang SACLEO at kabilang sa top 12 na most wanted person (MWP) sa station level.

Ang suspek ay binasahan ng “Miranda rights” sa pamamagitan ng “sign language” para maintindihan nito ang kanyang kinakaharap na kaso at proseso sa pag-aresto.

Samantala, dinakip mismo sa loob ng pinagtatrabahuhan na First Unity Textile Company ang isang accounting clerk na wanted sa kasong estafa, kamakalawa ng hapon sa Quirino Highway, Baesa, Quezon City.

Ayon kay MPD-DSOU (District Special Operation Unit) Assistant Chief P/Maj. Cicero Pura, ang suspek na accounting clerk ay residente ng Nay-Isa St., Project 4, Quezon City.

Ang suspek ay inaresto ng mga operatiba pasado alas-3:30 ng hapon sa nabanggit na lugar sa bisa ng warrant of arrest sa nasabing kaso na inisyu ni Presising Judge Erlinda Nicolas-Alvaro ng Las Piñas RTC, Br. 198 na may inirekomendang P16,000 na piyansa.

Nagpaabot naman ng pagbati at papuri si MPD Director P/Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco sa mga kapulisan sa MPD Stn. 14 at sa mga operatiba ng DSOU sa kanilang aksyon laban sa kriminalidad at pagtugis sa mga wanted na criminal sa Lungsod ng Maynila.

AUTHOR PROFILE