No. 1 MWP Binondo ‘rapist’ timbog sa Ecija

March 24, 2022 Jonjon Reyes 136 views

LAGLAG sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang 30-anyos na binate makaraang matimbog sa pinagtataguan nitong lugar sa Nueva Ecija, umaga nitong Huwebes.

Kinilala ni P/Lt. Col. Magno Gallora Jr., commander ng MPD-Binondo Police Station 11 ang suspek na si Rolando Ramos Jr., self-employed ng Morong St., Tondo.

Batay sa ulat ni P/Cpt. Fredwin Sernio at P/Lt. Robelo Rabara ng Warrant and Intelligence Section, pasado alas-6:00 ng umaga nang isilbi ang warrant of arrest kay Ramos na inisyu ni Judge Jacquelene Martinn-Balictar, ng Regional Trial Court Branch 9, Manila dahil sa rape at paglabag sa Art. 266-A par.2 RPC as amended by RA 8353 (Rape) sa Katuray St., Pulo San Isidro, Nueva Ecija.

Kasama sa pag-aresto ang ilang tauhan ng 4th MFC ng Regional Mobile Force Batallion na pinamunuan ni P/Major Karl Marlo Sanchez.

Ang suspek ay nasa no. 1 most wanted person (MWP) ng MPD at walang inirekomendang piyansa sa kinakaharap na kaso.

Agad naman nagpaabot ng pagbati at pasasalamat si MPD Director Police Brig. Gen. Leo “Paco” Francisco sa mga kapulisan ng Binondo sa pamumuno ni PLt. Col. Magno Gallora Jr. dahil sa maagap at matagumpay na operasyon sa probinsiya ng Nueva Ecija. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE