Charlie

Netizens, tutol kay Carlo para kay Charlie

January 4, 2023 Ian F. Fariñas 357 views

MAINGAY na pinag-uusapan ngayon ang pagkaka-link sa isa’t isa nina Charlie Dizon at Carlo Aquino matapos kumalat online ang sightings sa kanila sa La Union nitong holiday season.

Pero mukhang open naman si Charlie sa kung anumang ugnayan meron sila ni Carlo dahil siya mismo ay nag-post ng picture nila sa Instagram kasama ang ilang mga kaibigan.

Anang aktres sa caption ng group picture, “Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother.”

Maraming celebrities ang nag-react sa post na ’yon ni Charlie tulad nina Jolina Magdangal, Belle Mariano (na ka-join sa grupo), Dimples Romana, atbp.

Pero kapansin-pansin na masyadong harsh ang comments ng netizens.

Isa sa kanila, na may IG handle na @megwillfly, ang nag-comment na, “really Carlo Aquino? the known CHEATER? yikes, wala na ba iba gurl???”

May isa ring nagmaasim at nagsabing, “sayang ang talino at ganda mo gurl. ofcourse alam mo nmn ang background ni guy since before bat pumatol ka. Sana sinabi mo kay carlo na ayusin mo muna pamilya nya, baka ikaw cguro ang nasa 3rd party. Kaya xa iniwan nang mga ex nya kc may something problem ni guy. sa bagay KARMA is coming SOON ni carlo Goodluck and Enjoy!”

Lahat ng judgment na ito ay kinontra naman ng ibang netizens din na nagsabing baka naman may gagawing pelikula ang dalawa.

Huwag daw muna husgahan sina Charlie at Carlo dahil baka bandang huli, bawiin din ng bashers ang maaasim nilang komento sa post.

Anyway, matatandaan na pinatamaan si Carlo ng ex niyang si Trina Candaza sa isang socmed post bago nag-Bagong Taon.

Parte ng hanash ni Trina, “We lost someone whom I thought will be the man who will always keep us safe, someone who will protect us. But little did I know he will be the one who is very excited to remove us from his life.”

Hindi man binanggit ang pangalan ni Carlo, ito ang suspetsa ng netizens lalo pa nga’t meron silang anak ni Trina, si Mithi.

AUTHOR PROFILE