Default Thumbnail

Netizens nagreklamo sa digital bank na may all-in-one app sa bansa

September 5, 2023 People's Tonight 241 views

INULAN ng reklamo sa social media mula sa mga customer ang Maya, isang digital bank na may all-in-one money app sa bansa.

Ilang araw nang walang patid ang reklamo ng mga netizen na idinaan sa Facebook at Twitter ang kanilang mga hinaing.

Nagreklamo ang mga netizen sa umano’y mabagal na pagta-transfer ng pera sa kanilang account , ang umano’y hindi pagpasok ng cash in sa kanilang wallet, at umano’ biglaang pagsasara sa kanilang mga account.

Kinuwestiyon din ng ilang netizens ang ipinatutupad na redundancy program o ang pagbabawas at pagpapatalsik ng mga empleyado dahil doble o duplicate umano ‘yung trabaho.

“Yung chat support – not very helpful. I’ve sent more than 30 emails since June pero walang maayos na reply. Pakibalik yung funds ko if di nyo kayang isolve issue!” tweet ni Ashlyyyxo (2:01 PM- Aug 30, 2023)

“As of Sep 01, 08:56 AM, it has been exactly 3 business days since this happened. No amount transferred nor reverted back into my account! Give me back my hard earned money!” isinulat ni ngOtkul4 sa Twitter (10:28 AM-Sept 1, 2023)

“mas madalas pa system error kaysa good service,” reklamo naman ng isang netizen sa Facebook.— Fernando S.,(Aug 26, 2023)

“cannot help me with the reversal. So that money is now floating wherever!” — Christine Joy M. (9:37 AM, Aug. 24, 2023), Twitter

AUTHOR PROFILE