Heart

Netizens, naglaway sa mamahaling salamin ni Heart

January 19, 2022 Vinia Vivar 154 views

Nagkagulo na naman ang followers ni Heart Evangelista sa kanyang recent IG post kung saan ay nasa harap siya ng isang smart mirror.

Isa itong life-sized na salamin and at the same time ay android tablet din.

“Can you guys believe that I actually have a smart mirror at home?! Meet Serena, @lulusmartmirror’s latest smart technology. This giant android phone doubles as an #OOTD mirror and features a 5MP camera. You can even download apps on it! It makes my life so much easier when I’m working at home or trying out new outfits for shoots and endorsement,” ang caption ni Heart.

Dagsa ang komento sa comment section at amazed na amazed sila sa bagong technology na ito na parang si Heart pa lang ang meron.

Puro “wow,” “sana all,” “iba ka” at “sakalam” ang mababasa mo sa mga komento.

Ang iba ay tiningnan na agad sa website ang presyo nito at tumataginting daw na P80,000 lang naman ang halaga nito.

“Worth 80k mirror. deserved mo yan miss heart,” komento ng isang netizen.

“Kaloka ang ganda!!! Makapag ipon na nga,” sey naman ng isang follower.

AUTHOR PROFILE