Paolo

Paolo, mas bet kalaplapan ang lalaki

January 19, 2022 Vinia Vivar 170 views

Hindi nag-inarte sina Paolo Gumabao at Vince Rillon sa kanilang maiinit na eksena sa pelikulang Sisid na idinirehe ni Brillante Mendoza.

Game na game ang dalawang aktor sa kanilang love scenes at aminado naman si Paolo na mas nadadalian sila sa man-to-man kissing scene kesa sa babae.

“For me, mas kumportable ako at mas nadadalian ako ’pag ang ka-kissing scene ko ay lalaki. Kasi you don’t have to be that delicate. You can tell them right away na, ‘Uy, bro, okey lang ba na gawin ko ’to?’

“Mas challenging sa babae kasi you have to be more careful. S’yempre, sila ay babae. You want to do your best to respect them and not cross any lines. So, mas madali sa akin ang kissing scene sa lalaki. Mas carefree s’ya,” sey ni Paolo.

Nakatulong din para maging maganda ang resulta ng kanilang love scenes ay ang nabuo nilang closeness habang ginagawa ang movie.

“Kami kasi ni Vince, pagdating na pagdating ko pa lang sa set, my first goal was to establish a relationship with him. And ako, sobrang na-appreciate ko rin si Vince kasi naramdaman ko rin na ’yon din ang goal n’ya, to establish a relationship with me para maganda ang mga eksena namin.

“So, first night pa lang naman nagkita ni Vince sobrang close na namin agad. Next day, nagyayaan magkape. Sa sobrang close namin wala ng problema ’yong mga bed scenes,” kuwento ni Paolo.

Importante rin daw na nag-uusap sila ni Vince bago gawin ang isang maselang eksena.

“Mag-uusap kami before the scene tapos sasabihin n’ya lang sa akin, ‘Ano p’re? Sasagarin ko ’to ha?’ ‘Ako rin bro. Tara, sagarin natin para one take.’

“Ganu’n kami mag-usap ni Vince kaya na-appreciate ko rin talaga si Vince dito,” tsika pa ni Paolo.

Napanood na namin ang Sisid sa advance screening last Tuesday and we’d say pasabog talaga ang love scenes nina Paolo and Vince.

Mapapanood na ang Sisid sa Vivamax. Kasama rin dito sina Kylie Versoza at Christine Bermas.

AUTHOR PROFILE