Regine

Netizens, nag-alala kay Regine

June 24, 2021 People's Tonight 525 views

Nag-alala ang fans ni Asia’s Songbird Regine Velasquez matapos siyang mag-post last Tuesday na inaatake siya ng matinding migraine.

“Since Thursday morning aaauuuooogghhhh!!!!!!! My head feels hot like really hot then I get the stupid migraine.. when the pain goes down the whole day my head feels heavy hanggang shoulders then repeat pajulit julit lang. I’m so tired of the pain,” ang post ni Regine.

Good thing, sa Instagram Live ni Ogie Alcasid last Wednesday ay nagbigay siya ng update sa kundisyon ng misis.

Aniya ay medyo gumaganda na ang pakiramdam ni Songbird.

“She’s getting better, but alam n’yo po ang migraine, especially her migraine attacks, minsan isang linggo ‘yan, 2 linggo,” ani Ogie.

Dumagsa rin ang “get well soon messages” sa IG ni Regine mula sa mga kapwa artista kabilang na sina Jolina Magdangal, Zsa Zsa Padilla, Mariel Rodriguez, Lorna Tolentino, Jaya, Karla Estrada, Melai Cantiveros, Gloria Diaz at marami pang iba.

SIKRETONG LILINISIN

Gagawing pain ni Mayor Simon (Nonie Buencamino) ang pamilya ng katiwala niyang si Tomas (Dominic Ochoa) para mapilitan itong linisin ang sikreto ng kanilang pamilya ngayong linggo sa teleseryeng Huwag Kang Mangamba, na napapanood sa Kapamilya Channel, A2Z at TV5.

Pagkatapos malaman ni Simon ang itinatagong relasyon ng apo niyang si Miguel (RK Bagatsing) sa isang lalaki, uutusan niya si Tomas na patayin ang nobyo ni Miguel na si Diego (Rafael Rosell).

Ito ay dahil na rin sa takot ni Simon na maisapubliko ang ugnayan na maaaring makasira sa kampanya ni Miguel bilang alkalde ng Hermoso.

AUTHOR PROFILE