Aquino Siblings

Showbiz celebs, nagbigay-pugay kay PNoy

June 24, 2021 Ian F. Fariñas 240 views

NAKIRAMAY ang maraming showbiz celebrities sa pagyao ni dating Presidente Noynoy Aquino sa edad na 61 kahapon ng umaga.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma ng mga kapatid ni PNoy na sina Ballsy, Pinky at Kris sa isang live socmed feed kinahapunan kung saan sinabi nila na mami-miss nila si PNoy.

Samantala, isa ang singer-songwriter na si Jim Paredes sa mga unang nag-tweet tungkol dito.

Aniya, “It has been announced on media. very sad news to share… Pnoy has passed away +… may his soul Rest in Peace Complications from COPD, high blood sugar, dialysis 3x a week, etc.”

Pero binura niya ito at pinalitan ng, “Sorry. Erased it. Will wait for fam to announce it” at “A friend i greatly admired has passed on. It is shattering. I give you my fervent, respectful salute for all you have done.”

Ang talent manager/showbiz columnist namang si Lolit Solis, si Josh, panganay ni Kris, ang naisip dahil nga close ito sa dating Pangulo.

Sa isang news video footage, nakitang umiiyak na bumaba ng sasakyan si Josh kasama ang dalawang babae pagdating sa bahay ng mga Aquino sa Times St., Quezon City.

Ilan sa mga personalidad na nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ni Kris sina Korina Sanchez, Sharon Cuneta, Dingdong Dantes, Ogie Alcasid, Rep. Vilma Santos-Recto, Pops Fernandez, former Senator Jinggoy Estrada, Roselle Monteverde at marami pang iba.

Ani Korina, “Sad day. Gone too soon. Many presidents have come and gone. But PNOY I knew. Thank you for your friendship. Most of all, gratitude for service to our country. Godspeed. Bon voyage. Be happy in eternity with your parents, your fellow Filipino heroes.”

Si Sharon naman na nasa Amerika pa rin hanggang ngayon, nag-post ng, “Deepest condolences to PNoy’s family on his passing. May God hold you all tightly in his arms as you go through this difficult time…”

Taus-puso rin nakiramay si Rep. Vi na nagsabing, “Taos-pusong pakikiramay sa pamilya ni former President ‘NOYNOY‘ Aquino. Our sincere condolences and prayers. Rest in peace, PNoy. Salamat po sa inyong serbisyo sa bayan” sa Instagram.

“Ako ay lubos na nakikiramay sa pamilya ni dating Pangulong Noynoy Aquino. I am one with the nation in mourning this loss. Let us honor the life, leadership and sacrifices he shared to the nation,” ang Facebook post naman ni former Sen. Jinggoy.

Pinasalamatan naman ni Dingdong si PNoy dahil “President Noy was a champion of youth development. He headed the Philippine Delegation in the monumental 2015 Paris Climate Change Conference, where we presented the Filipinos’ pledge and call for urgent global climate solution as part of the youth-led #NowPH movement. He also institutionalized November 25 of every year as the ‘National Day for Youth in Climate Action’.

“He selflessly dedicated his life to public service, and was a formidable beacon of uprightness and incorruptibility during his administration. But, I am truly grateful that I had the opportunity to know him beyond work. Because behind that seat of power was a simple man, who beams with humility, inspiration and hope for the country.

“I cannot thank him enough for the trust and confidence that he bestowed on me. And, I am truly honored to have served the Filipino Youth under his leadership.

“He will be in our prayers, and we will always be deeply thankful for his service to the nation and to this generation. We know that He has seen his good work and that he is already with Him, resting in heaven’s glory.”

Si Roselle, anak ng star builder at Regal Films matriarch na si Lily Monteverde, nagsabing, “On behalf of the Monteverde Family, it is with great sadness that I mourn the passing of our Former President Benigno ‘NoyNoy’ Aquino III. He was a son to my mom, a family to us, a passionate and profound leader to our country.

“I offer my deepest condolonces to the Aquino family and to our fellow Filipinos. He has truly made his mark as a leader towards progress and continuing democracy. We honor his legacy he left behind.

“May our Lord rest the soul of our Former President in peace.”

As for Ogie, binalikan niya ang panahon na nag-abay ang dating Pangulo sa kasal nila ni Regine Velasquez.

Aniya, “Si Pnoy ay naging abay sa aming kasal at magmula noo’y nabuo ang isang pagkakaibigang tunay at tapat. Napakaraming salu salo na nauuwi sa kantahan sapagka’t napakahilig nya sa musika. Kapag nabibisita namin siya ay laging nagpapatugtog ng mga paborito nyang CD.

Sa mga nagdaang taon, walang patid ang kumustahan sa text lalo na tuwing may espesyal na okasyon. Noong pumanaw ang aking ama, isa sya sa di nakalimot na mag abot ng pakikiramay. Nitong mga huling araw ay tuloy pa rin ang aming komunikasyon. Labis na labis ang kalungkutan bumabalot sa akin sa iyong pagpanaw sir Pnoy. Napakapalad ko sir Pnoy na ako ay tinawag mong kaibigan. Pahinga na po kayo sir. Mahal ka namin.”

Nakikiramay ang People’s Tonight sa mga naulila ni ex-Pres. Noynoy.

AUTHOR PROFILE